MP 31-32

8474 Words

TRENTA Y UNO Nagising ako sa tawanan sa sala. Kinapa ko ang tabi ko. Gaya ng dati nauna na naman siyang bumangon. Niligpit ko pa ang mga kumot at unan bago ako lumabas. Nagkakape pala siya kasama sina tatay at mga tiyuhin ko. Tatlong tiyuhin ko ang nandito. Mga kapatid ni tatay. "Kumusta ang tulog mo Neneng?" angsama ng tingin ko kay Tiyo Ador. Neneng? Hanggang ngayon neneg pa rin tawag sa akin. "Okay lang tiyong. Ang-aga niyo yata? May lakad ba?" Natawa naman sila. "Ikaw talagang bata ka. Gusto mong sumama? Sa talyer kami pupunta. Marunong pala sa mga kotse itong si Hope. Gusto naming subukan ang batang to." Humigop ng kape si Nikee. "Pero tiyo ha? Kung yung medyo impossible na kailangan ko na ng back up." Tawa pa niya. Umalis na rin sina tatay. Sabi ko kasi e susunod na lang kami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD