Jessica Quinn’s POV Pagkagising na pagkagising ko para na agad binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit nito. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at hindi ko pa mamulat ang mga mata ko. “Baby…” I am expecting na si K talaga ang bubungad sa akin pagkagising ko kaya hindi na ko nagulat na narinig ko ang boses niya. “K… ang sakit-sakit ng ulo ko…” Napahawak pa ko sa ulo ko at naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang sintido ko at nilagay niya ang dalawang hintuturo niya tsaka niya dahan-dahan na inikot ang daliri niya. “K… Nahihilo talaga ko…” pagrereklamo ko pa sa kanya. “Okay, baby. Relax first.” Hinalikan niya pa ang noo ko pero masakit talaga ang ulo ko. Parang hindi nakakatulong pero dahan-dahan ko ng namumulat ang mga mata ko.

