Ang bilis ng pintig ng puso ko habang nakatitig ako kay K na nakaluhod pa rin sa harapan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at sobra-sobra ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ang dibdib ko ngayon. “K…” “Baby, hindi ngayon. Hindi bukas o hindi sa susunod na taon. Maghihintay ako kung kailan mo gustong magpakasal.” Yeah, this is not a public proposal pero nakakakaba pa rin pala kahit kaming dalawa na lang. Mukhang hindi rin siya nagbibiro at talagang seryosong-seryoso siya sa akin. Gusto niyang magpakasal sa akin at ngayon nag pro-propose na siya sa harapan ko habang nakaluhod ang isang tuhod niya. “This is my dare, baby. You need to do it. You need to promise that you will marry me. Only me." Ito ang gusto niyang dare. Nakaawang pa rin ang labi ko at hindi ko alam ang sasabihin ko s

