Jessica Quinn’s POV "I'll transfer everything, Jessica. I will call you once your unit is all good." “Thanks, Kuya!” masayang sambit ko. “Bye, love you!” Binaba na ni Kuya ang tawag at binaba ko na rin ang phone ko sa ibabaw ng table at tumingin ako kay K na hinihiwa ang steak ko. Nang matapos niyang hiwain ang steak ko, inilagay na niya ang pinggan ko sa harapan ko. Nagsasawa na yata siya sa luto ng mga kasambahay niya kaya niyaya niya ko ngayon na kumain sa labas. Mabuti na lang wala akong gagawin kaya ngayon sa isang restaurant kami nag-di-dinner. "I have a party tonight," K said to me. "Okay, I'll go home,” ani ko agad sa kanya. Hindi naman pwede na roon pa ko sa bahay niya maghintay. Uuwi na lang ako sa bahay namin dahil naiilang din naman ako sa mga tauhan niya na nakakalat

