Jessica Quinn’s POV Ininom ko ang pills ko ngayong umaga habang nakaharap ako sa balcony ng kwarto ni K. Suot ko ang malaki niyang t-shirt habang pinapanood ko sa ibaba ang mga tauhan niya na naglilinis ng baril nila na parang normal na ginagawa na nila araw-araw. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto kaya napalingon ako. Nakita ko si K na kapapasok lang kaya binaba ko ang isang baso ng tubig ko sa lamesa at humakbang na ko papasok sa loob. “K… may sasabihin pala ko sa’yo…” Napataas ang dalawang kilay niya sa akin at naupo siya sa paanan ng kama niya. Gusto kong sabihin sa kanya ‘to para malaman niya dahil gusto kong ina-update siya. “What is it, baby.” Tinapiki niya ang ibabaw ng hita niya kaya naglakad ako palapit sa kanya at hinawakan niya agad ang bewang ko at inalalayan ak

