Jessica Quinn’s POV “Hindi ka pa ba mag-swi-swimming?” Nakababad ang katawan ko sa pool habang ang dalawang braso ko ay nakapatong sa gilid ng pool at nakatingala kay K na nakatayo sa harapan ko. “Tara na, K.” “Later, baby.” Naupo siya sa harapan ko at hinalikan ang noo ko. Nang lumayo siya sa akin ay ngumiti na lang ako sa kanya. Walang masyadong tao ngayon dito sa pool ng hotel dahil mukhang nag-e-enjoy sila sa mismong beach. Ayoko naman pumunta ngayon sa beach kaya baka mamaya na lang or bukas. Tumayo si K at tumalikod na siya sa akin. Bumalik siya sa kinauupuan niyang stool sa harapan ng bar counter. Sinandal niya ang likod niya sa bar counter at kumaway pa siya sa akin suot ang shades niya. Ang boring dahil mag-isa lang naman ako rito. Pero tumalikod na lang ako at napailin

