Jessica Quinn’s POV Hindi ako makakibo sa sinabi ni K. Ngayon alam ko na kung bakit parang minamadali niya ang kasal naming dalawa. Sa tingin ko dahil alam niyang ikakasal ako sa kapatid niya. Parang binibiyak ang puso ko habang pinapanood ko si K. Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi niya na para bang nagmamakaawa pa siya sa akin na dapat hindi niya ginagawa dahil boyfriend ko siya. Siya lang dapat ang pakasalan ko. "You are the only man I will marry, K." I smiled. Siya lang ang gusto ng puso ko. Noon, ngayon, at bukas. Siya lang ang pakakasalan ko kaya bakit kailangan niyang makiusap sa akin na h’wag pakasalan si Killian? Hindi na niya dapat pang sabihin ‘yon dahil simula nang magkabalikan kami, dahan-dahan ko na rin inalis sa isip ko ang pagpapakas

