Chapter 31 "Sofia," ani ko nang maisarado ko ang pintuan. Kumabog ang aking dibdib at labis akong nagtaka nang bumungad sa akin ang mga reaksyon nilang tatlo. Sofia looks mad, ganoon din si Sonara na sa tingin ko ay nagtitimpi ng galit, at si Hailee na tulala habang nakaupo sa kama at tila ba ay nagulat sa hindi ko malaman na dahilan. Kunot noo, at nagtataka ko silang tiningnan, "What's the matter?" Sunod kong tanong at lumapit sa kanila. "Break up with Jayden, now!" May diin at galit na utas ni Sofia. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Nakaramdam ako ng kaba at takot na baka mayroon na silang alam. Napalunok ako at naestatwa sa kanilang harapan. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. "W-What are you saying?" Naguguluhan at kinakabahan kong tanong kay Sofia. Ginulo ni

