Chapter 23 Tinapon ko ang papel matapos iyon lukutin. Napangiwi ako at bumuga ng hangin ng halos napuno na ang lapag sa dami ng mga nilamukos kong mga papel. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dati naman ay nakakasulat ako ng kanta na maikli. Ngunit ngayon ay wala akong maisip at hindi ko mahanap ang tamang mga salita na ilalagay sa kanta na binubuo ko. "I think I'm having a writer's block," pahayag ko at maiiyak na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maitama, at wala pa rin akong mabuo na kanta. "It's okay," ani Jayden sa akin. Narito kami sa room namin ni Hailee. Pagbalik ko galing sa paglalakad ay wala na sila Hailee dito at mukhang nag hiwa-hiwalay naman sila ng landas. Siguro ay mga nag-iisip at kinakalma rin ang mga isip nila para makabuo ng kanta. "I can't just write a song, da

