Chapter 12 "You're the one who said bad things!" Mariin akong napapikit habang patuloy na nakikipag talo si Sofia kay Camila na gulo gulo ang buhok at akala mo ay napag trip-an sa labas. "It's true, ikaw itong hindi iyon matanggap!" Singhal ni Camila habang pareho silang nagpapalitan ng mga matatalim na titig. Walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. "Headmistress, she's the first one who pulled my hair, self defense lang po ang ginawa ko sa bruha na ito!" "Sofia," ani Sonara at pilit itong binabawal. "Bruha? How dare you!" "Sofia, no!" Malakas kong sigaw nang sugurin na naman nila ang isa't isa. Nabalot ang buong office ng ingay at away mula sa dalawa at sa amin na pilit silang inaawat, "Pull yourself, Sofia!" Buong lakas ko siyang hinila pabalik sa kanyang pagkakaupo sa ha

