Chapter 39 "Just call for a catering," kunot noo akong natigilan sa pagbaba nang hagdan nang marinig ko si Daddy at mula rito ay natatanaw ko sila ni Manang sa aming sala at nag-uusap. Catering? Ano ba ang meron at kailangan pa ng catering? "Pero sir, iilan lang po sila Eliana, baka sobrang bongga naman kung magpa-cater pa tayo," dinig kong pahayag nila Manang. Bumukas ang aking bibig at mariin akong napapikit nang mapagtanto ko na ang catering na binabalak ni Daddy ay para sa amin nila Sofia, Hailee, Sonara at Jeremiah. Gosh, how can he think of having a catering service? "I know. But I think it's good to have a catering service here or on the rooftop? Doon nila gaganapin hindi ba?" Bumuga ako ng hangin at napailing bago ako nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan at lumapit na kay Daddy na

