Chapter 53 Nakatayo ako sa may balcony ng kwarto ko. I'm already wearing the dress they want me to wear. Inayusan na rin ako ng make up artist at pati ng stylist. Bumungad ang matipid na ngiti sa aking mga labi nang salubungin at yakapin ako ng malamig na simoy ng hangin. "Eliana, I want you to look extremely sad! I want to see the pain in your eyes, I want you to sing the song and let us feel how much you're hurt and how he killed you, okay?" Sigaw ni Director Lim mula sa ibaba. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung paano ko nga ba iyon maipapakita sa kanila. Even though I don't know what to do, natagpuan ko pa rin ang sarili kong tumatango. Maraming camera na ang nakahanda at nakatutok sa akin. Sa harap, sa magkabilang gilid ko, at pati sa aking likuran. Anything I do, they can see it

