SUNSHINE
"I am okay, you don't have to worry," Nakangiti pa nitong wika.
Lalong kimirot ang dibdib ko, tila inaasahan ko ang isasagot niya, ngunit para bang pinipiga ang dibdib ko sa bawat sasabihin nito na hindi totoo. "Sinasabi mo lang iyan para hindi ako mag-alala. Ramdam kong hindi pa maayos ang pakiramdam mo," diretsong ika ko. Hindi na ito nakapagsalita pa, umiwas siya ng tingin. Halata sa kanya ang pagkagulat sa aking sinabi.
Napabuntong-hininga na lang ako nang aminin nito ang pagkakamali.
Lagi kayang nangyayari sa kanya ito? Hindi niya iniisip ang sarili, ginugugol niya lahat ng oras at lakas sa trabaho na parang ito ang kanyang buhay. Nakakakain pa kaya siya sa tamang oras? Kung gano'n totoo nga, na sobrang busy niya sa trabaho, kahit sa sarili niya ay wala siyang sapat na oras. Halata sa kanya na hindi sapat ang oras ng pagtulog niya.
Kung alam ko lang na ganito pala ang sitwasyon niya noon, hindi ko sana siya binigyan pa ng problema. Hindi na sana kami humantong sa ganito.
"Are you mad?" alalang wika niya habang sinisilip ang aking mukha.
Sa lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko na nabigyang pansin si MC na nasa harap ko. Mabilis akong umiling saka matamis na ngumiti.
"Hindi, nag-aalala lang ako sa kalagayan mo," Mahinahon kong sagot.
"Why?" Bumalik ang kanyang ngiti, pilit man nitong inilalabas ang sigla ng katawan, hindi ito sapat para mapaniwala ako. "I am fine–"
"Bakit ba lagi mong sinasabi na okay ka kahit hindi naman?" Seryoso ang aking tono. Hindi ko na matiis ang mga pagkukunwari niya, kanina pa niya pilit na pinagtatakpan ang sarili. Kahit gusto kong hindi na lang ito pansinin at palampasin ay hindi ko magawa, nagtatago siya ng totoong nararmdaman. . .na pinaka ayaw ko sa lahat. "Sa palagay mo ba sapat ang mga salita para mapaniwala mo ako?"
Kagat-labi kong pagpatuloy. Iniwas ko ang aking tingin habang seryoso. Hindi ko alam kung bakit ko sa kanya ito sinasabi.
Hindi ito nakapaglabas ng mga salita, tila hindi niya maibuka ang mga labi para magdahilan pa. Ikinalma ko ang sarili bago muling nagsalita, "Hindi lahat ng tao ay mahina ang tingin sa iyo pag nagsabi kang hindi ka okay. Mahirap bang aminin na hindi ka okay at walang sapat na lakas dahil may sakit ka?" Pakiramdam ko ay lahat ng taong nakapaligid sa akin, hindi nila kayang magpakatotoo.
Ganito ba ako kahina tingnan para mas piliin nilang magsinungaling kaysa ang umamin? Matapos mamatay ng mga magulang ko, natakot na akong magtiwala, hindi ko na magawang magtiwala sa mga salita lang. Minsan na akong naloko ng mga salita kaya naman masakit pa rin sa akin, na sa tuwing magtatanong ako ay puro pagkukunwari ang matatanggap ko.
"Sorry!" Naangat ko ang mukha nang ang malalim na boses ni MC ay mag-echo sa tainga ko. Nakayuko ito habang nakaupo sa harap ko. "Ayaw ko lang na mag-alala ka, that's all. But, i was not expecting from you to react like this. I forgot you hate liers." Isang malalim na hininga ang huli nitong pinakawalan. Marahil ay hindi niya inaasahan na tanggapin ko ang paghingi niya ng tawad, ngunit. . . kahit na gano'n ay nilunok niya ang pride niya.
Kung gano'n ay naiintindihan niya ako. Ngayong alam na niya, magbabago kaya ang sagot niya.
Malalim akong naghugot ng hininga bago muling nagsalita, "Kumusta ang pakiramdam mo?"
Malawak na ngiti ang kanyang pinakawalan, ngunit malamig ang kanyang mga mata. "I-I am not okay, i feel dizzy and hot. Nagugutom din ako." Napalunok ito sa mga sinabi. Napipilitan manay nagawa niyang aminin lahat sa akin. Sa palagay ko ay pinagkakatiwalaan niya ako.
Tuluyan nang kumawala ang mahinang tawa sa akin. Nasapo ko ang bibig nang mapansing kunot-noo itong nakatingin sa akin. "Hindi kita pinagtatawanan. Feeling ko lang kase ay parang naglalaro tayo ng hide and seek, kung hindi pa kita napaamin malamang ay gigising kang gutom bukas," saad ko.
Ngumiti rin ito. "Yeah, you're right," aniya habang nakatingin sa akin nang may malawak na mga ngiti.
Dahil sa biglaang pagbukas ng pinto, mabilis akong bumaba sa kama ni MC. Nanatili akong nakatayo sa tabi nito habang nakaharap sa papasok na si nanay. "Ah! Naistorbo ko ba ang pag-uusap niyo?" bungad nito habang dala ang tray na may lamang pagkain. Malawak ang kanyang ngiti. Siguro ay natutuwa si nanay dahil sa ilang taon na hindi nagpaasikaso si MC sa kanila, heto siya at nag-request ng makakain.
"Hindi po, sakto lang po kayo sa oras," sambit ko.
"Buti naman. After years ay ngayon na lang ako ulit nagluto ng lugaw para sa taong may sakit, kaya sabihin niyo agad kung hindi niyo gusto ang lasa para aking ayusin," maagang depensa ni nanay bago ipatong ang tray sa ibabaw ng mesa.
"Ako na po ang bahala rito. Bumalik na po kayo sa pagtulog, masyado na pong malalim ang gabi."
"Sigurado ka ba? Kaya mong magpuyat at mag-alaga ng may sakit?" Alalang tanong ni nanay.
"Oo naman po. Madalas pong magkasakit ang mama ko noon, at ako po ang nurse niya lagi. Bumalik na po kayo bago pa kayo naman ang magkasakit," giit ko. "Masarap po ang niluto niyo sa amoy pa lang, kaya wala po kayo dapat na ipag-alala," pagpatuloy ko.
"Oh, siya. Mabuti pa nga ay magpahinga na ako, masyado na akong matanda para sa mga puyatan. Basta, 'pag may kailangan ka, tawagin mo lang ako." Bumaling ito kay MC saka bahagyang yumuko. "Magpagaling po kayo, Young Master," magalang niyang sambit. Ngiti lang ang iniresponde ni MC, saka ito tuluyang lumabas ng silid.
Agad kong kinuha ang bowl na may lugaw. Naupo ako sa tabi ni MC habang hinihipan ang mainit na kutsara. Nang makumpirmang malamig na ito ay itinapat ko ang kutsara sa bibig ni MC para makakain na ito. Sure ako na gutom na gutom na siya.
Sa pag-iwas niya sa isinusubo kong pagkain, gano'n na lang nagsalubong ang mga kilay ko. Magdadahilan nanaman kaya siyang okay para hindi ko siya kailangan pang subuan at asikasuhin?
"What. . .are you doing?" utal nitong ika habang nakatingin sa kitsarang nakaabang na isubo niya.
"Inaasikaso ka," seryosong sambit ko.
"I am not a paralyse person, honey. I can eat by myself," pagdadahilan niya.
"Ayaw mo bang asikasuhin kita?" feeling ko ay disappointed ako.
"N-no." Huminahon ang kanyang tono. Napansin kaya niyang disappointed ako? "It's just––" pinutol nito ang salita saka tumingin sa malayo. "So embarrassing," patuloy niya.
Base sa sagot niya ay ito ang first time na may mag-asikaso sa kanya ng ganito. Ako lang kaya ang nangahas na subuan siya? Dahil mahirap lang ako, wala akong idea kung paano alagaan ang isang mayaman na may sakit. Kailangan ko ba siyang dalhin sa hospital? Pero, kung malayo ang hospital dito baka lumala pa lalo ang sakit niya. Ano ba ang dapat gawin? Ganito ako mag-alaga kay mama kaya akala ko ay okay lang din sa kanya.
"A-ano ba dapat ang gagawin ko?" Awtomatikong lumabas ang mga salita sa bibig ko.
"No. It's just perfect. First time lang na may mag-alaga sa akin na ganito maasikaso. I think nature niyo nang mga Filipina ang maging matulungin at maasikaso sa mga taong nakapaligid sa inyo. I am glad that i found you. Please take a good care of a sick person like me, honey!" Puno ng tamis ang kanyang mga salita, sapat para pabilisin ang t***k ng dibdib ko.
Mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Kumain ka na para makatulog na tayo." Pag-iiba ko sa usapan. Kung magpapatuloy ang matatamis na salita mula sa kanya, nahihiya akong makita niya na uminit ang mukha ko. Ayokong mapansin niyang naaapektuhan ako sa simpleng mga salita niya.
Mahina itong tumawa bago tuluyang kinain ang isinusubo kong lugaw. Matapos ko itong pakainin, kinuha ko ang gamot at inilagay ito sa lutsara, sunod kong kinuha ang isa pang kutsara na nakalagay sa baso na may lamang gatas.
"What are you doing, honey?" usisa niya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
"Ang sabi mo ay nahihirapan kang lunumin ang gamot, kaya naman dudurugin ko ito," sagot ko. Pinagpatong ko ang dalawang kutsara sa pagitan ng gamot saka ito diniinan para madurog, nang madurong ang gamot ay kaunti ko siyang nilagyan ng gatas saka hinalo ito sa kutsara.
"Ah!" Nakangiti kong ika. Pakiramdam ko ay bata ang inaalagaan ko.
"So cool," aniya, saka tinanggap ang isinusubo kong gamot. Mabilis kong ibinigay ang gatas nang malunok na niya ito, bakas sa kanya ang pait ng lasa nito dahil halos maisuka pa niya ito.
Nahinto ako sa pagkilos nang kunin ni MC ang pulsuhan ko. "May problema ba?" aniko.
Tumingin ito sa malayo. "Inaantok na ako," pahiwatig niya.
"Kung gano'n, matulog na tayo," sambit ko, saka nahiga sa tabi niya. Kung hindi ko siya tatabihan hindi niya rin ako hahayaang bumalik sa kwarto ko. Mataas pa ang lagnat niya, kailangan ko rin siyang bantayan boong gabi.