Chapter 1
CHAPTER 1
SUNSHINE
Trust is a dangerous game, ika nga ng marami. Kinalakihan ko na ang walang magulang. Nawalang sabay si Inay at Itay. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi nila sa akin bago nangyari ang masaklap na aksidente sa kanilang dalawa.
Sabi nila ay hindi nila ako iiwan, pero bigla na lang silang nawala. Sobra akong na-down that time, simula no’n ay nawalan ako ng tiwala sa lahat. Lalo, sa salitang pangako.
Lungkot, sama ng loob, at kapighatian ang araw-araw sa aki’y sumasalubong sa tuwing iminumulat ko ang aking mga mata sa umaga. Walang pagkakataon sa aking buhay ang hindi ko naramdaman na mag-isa lang ako kahit kasama ko pa ang nag-iisa kong Ate at ang kumupkop sa amin— ang Auntie namin.
Hindi ko alam kung bakit, pero dahil sa lungkot ng buhay na meron ako ay pumasok ako sa isang relasyon na kailanman ay hindi ko pinag-isipang mabuti.
Pinasok ko ang mundong walang kasiguraduhan— bagay na aking lubos na pinagsisisihan. Gayunpaman, aking tinitiis sapagkat wala akong ibang makakasama kung pati siya ay lalayuan ko.
Mabigat akong napahinga nang marinig na nag-ring ang phone ko. Tahimik ko itong inabot mula sa 'king drawer.
"Hi, good morning! How are you? Have you eaten?" bungad nito sa akin.
Lumunok ako saka nagsalita, "Hi, y-yes," pagsisinungaling ko upang hindi na humaba ang aming usapan. How 'bout you?" balik tanong ko sa kanya.
Kasalukuyan na akong nakaupo sa sofa habang kausap ito— ang aking kasintahan.
Kailangan ko siya makausap ng masinsinan. Bukod sa hindi naman kami nagkikita ay tatlong beses lang kami makapag-usap sa isang linggo. Tamang-tama ang pagtawag niya.
Hindi ko nais na saktan siya, pero hindi ko na kayang magtiis sa relasyon na ito. Alam ko na alam niya rin ang nararamdaman ko. Dahil ang relasyon na ito ay isang laro lang.
Buhat nang maging kami, kailanman ay hindi ko naramdaman na mahal niya ako. Kaya alam ko na hindi siya seryoso sa akin.
Ano bang malay ko? Baka bukod sa akin may mayroon pa siyang ibang babae. Long distance relationship kami, bukod doon ay gwapo siya. Hindi malabo na magloko siya.
"I'm fine. Take care always."
There. As I always expected. Ganito ang usapan namin sa tuwing makapag-uusap kami. Nakakawalang gana.
Huminga ako nang malalim mula sa kabilang linya.
"Are you okay?" he asked.
Hindi ako agad kumibo. Hindi ko na inintindi kung makaramdam siya ng yamot at p*****n ako. Naiinis ako dahil sa aming dalawa, tila ako pa ang nais nitong gumawa ng first move lagi.
Siya si MC, nakilala ko siya mula sa social media sa isang Dating Group. Sabi niya noon, isa siyang amerikano na nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya. Bukod doon ay wala na siyang ibang sinabi sa akin. At kahit pilitin ko siya na sabihin sa akin ang lahat ng tungkol sa kanya, binabaling niya ang usapan sa ibang bagay. Napapaisip tuloy ako minsan, baka may tinatago siyang hindi maganda o kaya nagsisinungaling lang siya sa akin.
"I'm good," tipid kong sambit.
Two years na kaming magkarelasyon, at sa two years na iyon, cellphone lang ang daan upang magkaroon kami ng komunikasyon. Bukod sa picture na pinakikita niya sa akin, hindi ko na alam kung ano ang tunay nitong itsura.
Wala akong ideya kung totoo ang mga sinabi niya sa akin tungkol sa kanyang sarili. Bukod sa maganda niyang boses, wala na 'kong ibang pinaniniwalaan.
Natatakot ako, pero ano man ang mangyari ay tatanggapin ko. Alam ko na maraming scammer sa panahon ngayon, lalong mahirap magtiwala.
"Are you sick? Why does your voice sound tired?" bakas ang pag-aalala sa kanyang tono habang sinasabi iyon.
Lumunok ako nang biglang dumagundong ang aking dibdib.
Paano ako makikipaghiwalay sa kanya kung ganito siya sa akin? Baka ma-miss ko siya at hanapin ang pagpapakita niya ng concern sa akin.
Ilang beses ko ba sinubukan na makipaghiwalay, dahil ayaw ko na magtagal pa ang pagkukunwaring ito?
I am confused. Gayunpaman, kailangan kong ituloy ang binabalak ko, 'pagkta ayokong dumating ang pagkatataon na tuluyan akong mahulog sa kanya— ayokong magtiwala sa taong hindi ko naman lubusan na kilala at halos ayaw magpakita.
Muli ay huminga ako nang malalim. Nilakasan ko ang loob ko.
"MC, I need to talk to you," sabi ko.
"Yes?" tugon niya.
Pumikit ako at hindi na nagpatumpik-tumpik pa, "MC, let's break-up. I'm sorry," finally, nasabi ko din!
Ilang segundo ang lumipas, katahimikan ang tanging namagitan sa aming dalawa.
"A-are you still there?" tanong ko.
Alam ko na hindi pa natatapos ang aming pag-uusap. At ngayon ay nakararamdam na 'ko nang kaba dahil sa sobrang pagtahimik niya.
"D-did I do something wrong? M-may mali b-ba sa akin?" garalgal ang boses nito mula sa kabilang linya.
Natigilan ako at hindi nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Nagtagalog siya? Bagaman hirap ay pinilit niya 'yong sabihin.
Lumunok ako kasabay ng pagkunot ng aking noo nang makarinig ng pagsinghot mula sa kabilang linya.
Umiiyak ba siya?
Hindi, imposible. Dahil kung nasaktan siya sa sinabi ko nangangahulugan na mahal niya ako. At ayoko 'yong paniwalaan. Hindi niya ako mahal.
Paanong nangyari iyon? Gayo'ng hindi nga kami nagkikita kahit sa video call. Imposibleng nahulog siya sa akin, kung umiiyak man siya posibleng— masaya siya dahil nakipaghiwalay na ako sa kanya.
"Nag-aral akong magsalita ng tagalog for you, Shine. You know, I want to speak with you using your language," ewan ko pero, ramdam ko ang kabiguan mula sa mga salitang binigkas nito.
Hindi ko inakala na magiging seryoso siya nang ganito. Ang lungkot ng kanyang tono, dama ko ang nararamdaman niya, pero hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko.
"Wala kang nagawang mali, MC. Gusto ko lang makipaghiwalay, at final na ang desisyon ko," malungkot na turan ko. Pakiramdam ko ang sama ko dahil naging malungkot ang araw niya dahil sa akin.
"Okay, if that what you want— let's break-up," mabilis nitong wika sa akin bago pinatay ang call.
Napakurap ako sa huling sinabi niya. Hindi ko akalain na sasabihin niya ang bagay na iyon.
Sabi ko na, hindi puro ang nararamdaman niya para sa akin. Imagine, kanina lang ay umiiyak pa yata siya, pero gano'n siya kadaling kausap— siya mismo ang nagsabing maghiwalay kami. Damn it!
Minsan lang kami mag-usap ng matagal dahil daw sa sobrang busy niya. Baka naman hinihintay lang niya akong makipaghiwalay dahil na-realize rin niya, na sagabal lang ako sa buhay niya.
Okay na rin ito, dahil kung totoong isa nga siyang milyonaryo na may sariling kumpanya, hindi kami bagay. Malaki ang pagkakaiba ng buhay naming dalawa. Isa lang akong hamak, dukha, at mahirap na walang kahit anong maipagmamalaki sa kanya. Ayoko nang mas lumalim pa ang pagsasama namin. Kaya walang saysay kung patatagalin ko pa ang relasyon na meeon kami.
"Shine, anak! Gising ka na ba? Tulungan mo nga ako rito, maraming customer na bumibili!"
Mabilis akong napatayo mula sa 'king hinihigaan na katre, nang tawagin ako ni Mama.
Mama na ang tawag namin ni Ate sa kanya, buhat kasi nang mamatay ang mga magulang namin ay siya na ang kumupkop sa amin.
I sighed.
Naglakad ako at diretsong lumabas.
Himala yata? Maraming bumibili sa karinderya namin ngayon? Siguro ay mayroong mga agenda ito sa kung saan at dito nila napiling kumain.
"Hi, Shine!" nakangiting bati sa akin ni Lhance.
Kababata ko ito. At kung saan-saan talaga siya sumusulpot kaya nasanay na rin ako.
"Hi," bati ko rin sa kanya habang abala sa pagbibigay ng orders para sa mga customer namin na narito ngayon.
"Hay nako, Lhance! Kung natulong ka kaya sa amin mag-serve sa mga customer, 'no? Tigilan mo muna ang pagtitig at pagpapa-cute sa anak ko," pabirong sermon ni Mama kay Lhance.
Tanging ngiti ang sinalubong ni Mama sa akin. Napapansin ko, parang napapadalas yata ang pang-aasar ni Mama kay Lhance.
"Wala pong problema sa akin, pero dapat ay ipagluto niyo ako mamaya ng paborito kong ulam," sabi nito na tinanguhan naman ni Mama.
Tumulong ako at hinayaan lang silang mag-usap.
Mahigit limang oras din kaming walang tigil sa pagtatrabaho, sobrang napagod ako kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan ang katawan ko na bumagsak sa sofa para maupo at magpahinga sandali.
"Tapos na ako maghugas ng mga pinagkainan. Nineteen birthday mo next week, anong balak mo?" ani Lhance.
Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makaupo sa 'king tabi.
"Oo nga pala, nineteen years old na ako next week, nakalimutan ko na ang birthday ko," pahayag ko.
Huminga ako nang malalim bago muling magsalita, "Wala, sa hirap ng buhay ngayon maghahangad ka pa ba ng magandang ganap sa kaarawan? 'Yung ipanghahanda ko, ilalaan ko na lang para sa tuition ko."
Realtalk lang. Sa eighteen years na nabubuhay ako sa mundong ito, hindi ako nakaranas mamasyal o sayangin ang pera ko sa wala lang, kaya sanay ako manahimik sa bahay habang dumaraan ang aking kaarawan. Hindi tulad ng ibang kabataan ngayon na gumagastos ng malaking pera para lang sa mga luho.
Well, wala namang masama roon. Pero kung may mas kailangang paggamitan ng pera, roon na lang dapat ilaan.
Ako naman, walang ibang nais kundi makapagtapos at magkaroon ng magandang trabaho, sa paraan na 'yon makakawala kami sa mahirap na buhay. Nais ko na mabigyan ng magandang buhay ang Mama pati na rin si Ate, kaya magsisikap ako.
"Oo nga, tama ka. Dahil two months na lang ay magsisimula na ulit ang pasukan," pagsang-ayon sa akin ni Lhance.
"Lagi naman akong tama!" tatawa-tawa kong sambit na ikinatawa rin niya.
Bigla ko tuloy naalala 'yung araw na nagtapat siya sa akin tungkol sa kanyang nararamdaman— one year ago.
Ang sabi nito'y gusto niya ako. No'ng oras na 'yon ay hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, kaya naman sinabi ko na lang na maghintay siya dahil ayokong makasakit. Sinunod naman niya ako, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot sa kanya.
Mabait si Lhance at may magandang trabaho, isa siyang police officer. Gusto lang talaga niya na tumambay rito dahil sa akin. Gwapo naman siya. Malakas din ang dating, malaki ang katawan at maputi. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko magawang ma-inlove sa kanya? Ayaw ko namang pilitin ang sarili ko na mahalin siya.
"Nakalimutan ko pala kainin ang niluto ni Tita para sa akin. Pupunta muna ako sa kusina baka sabihin niya tinatanggihan ko na ang grasya," paalam nito sabay umalis.
Gustong-gusto talaga niya ang luto ni Mama kaya siguro magkasundo silang dalawa.
"Shine, anak?"
Mabilis akong napatayo at nagtungo sa labas. "Mama?" responde ko rito.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" alalang salubong niya nang makalapit ako kasabay ang pagdampi ng palad nito sa noo ko.
Napangiti na lang ako sa sobrang sensitibo ng kanyang pakiramdam, dahil kaunting bagay ay napapansin niya. Kinuha ko ang kamay ni mama saka inilapat ito sa aking pisngi.
"Okay lang po ako, medyo pagod lang," sambit ko.
"Eh, mas mabuti, anak, magpahinga ka na lang muna, 'wag ka na munang pumasok sa part-time job mo."
"Ma, okay lang po ako, saka makakapagpahinga naman po ako sa trabaho ko. Hindi naman po ako masyadong napapagod sa trabaho ko dahil marami po kaming katulong doon," depensa ko ngunit bakas pa rin sa mukha ni mama ang alala.
Para mapawi kahit kaunti ang kanyang nararamdaman ay kinuha ko ang dalawa nitong kamay, inilagay ko ito sa aking magkabilang pisngi saka ngumiti. "Ganito na lang po, uuwi ako pag hindi ko talaga kaya o sumama ang pakiramdam ko. Okay ba?"
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni mama, sa wakas ay napatawa ko na ito. "Sige na nga. Malaki ang tiwala ko sa iyo kaya mapapanatag na ako. Basta, tawagan mo ako 'pag free time mo, ah," huling bilin ni mama na sunod-sunod ko namang tinanguhan.
Matapos ang pag-aayos namin sa karenderya, agad akong nagpaalam upang pumasok na sa aking trabaho. Medyo malayo ang store na pinapasukan ko rito sa amin, kaya naman kailangan ko pang sumakay ng jeep. Nakagawian ko nang pumunta ng linggo ng gabi, medyo madalang kase ang jeep dito tuwing madaling-araw, ayokong ma-late sa trabaho.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay may tumigil ding jeep sa aking harapan. Nagmadali akong sumakay rito, lalong lumawak pa ang aking ngiti nang makitang ako lang ang pasahero ng sasakyan.
"Kung siniswerte ka nga naman," bulong ko sa sarili.
Naupo ako, roon ay umandar ang jeep. "Manong, magkano po ang pamasahe?" ika ko. Sa palagay ko ay medyo mahal ang sisingilin niyang pamasahe, dahil ako lang ang pasahero niya ngayon parang inarkilahan ko na rin ang jeep niya.
Hindi sumagot ang driver dahilan para mapatingin ako rito, roon ay nagtama ang paningin namin.
"Magkano po ang babayaran ko?" muling wika ko. Sa ikalawang pagkakataon ay nanatili itong tahimik, mas bumilis din ang takbo ng sasakyan. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko, ayokong isipin ngunit para bang nasa panganib ako. Iba ang pakiramdam ko sa driver na ito.
Dahil sa dumidilim na rin ang paligid, lalo pa akong nag-alala. Mas lumakas ang paghihinala ko nang simulan nitong paandarin ang jeep nang hindi na normal ang bilis. "Manong, manong!" pahiyaw ang pagtawag ko sa lalaki ngunit wala itong kibo, patuloy lang siyang nagmamaneho nang walang humpay. Hindi ko na rin alam kung nasaan ako. "Manong, bababa na po ako, rito na lang!" muli kong sambit.
Akmang tatayo ako sa aking kinauupuan nang huminto nang tuluyan ang jeep. Mabilis kong inangat ang sarili mula sa pagkakaupo saka lumabas ng sasakyan. Mga kalalakihan ang sumalubong sa akin dahilan para mahinto ako sa pagkilos. Napaantras ako nang mapagtanto na hindi ko na alam kung nasaang lugar ako, walang ibang narito kundi kami lamang.
"Sino kayo? Tatawag ako ng pulis kung hindi kayo tatabi sa daraanan ko!" pagbabanta ko, ngunit hindi man lang sila nasindak. Nanatili silang kampante habang nakatingin sa akin. Minabuti kong tapangan ang sarili, hindi ko pwedeng ipakitang takot ako, kahit anong mangyari ay lalaban ako.
"My, young lady!" Nahinto ako sa winika ng isang matandang lalaki mula sa grupo ng mga kalalakihan.
"You don't have to be so naughty, hindi ka namin sasaktan just be a good girl, okay?" Mahinahon ang binitawang mga salita nito, ngunit hindi ako madadaan sa simpleng salita lang.
"Sino kayo? Sino ka ba para sabihin sa akin ang ganyang mga salita? Ano ba ang sinasabi mo?" sunod-sunod kong mga tanong. Naguguluhan ako sa ikinikilos at sinasabi ng lalaking ito.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas.
Iginala ko ang paningin upang makahanap ng maaaring maging panlaban sa mga ito, kailangan kong protektahan ang sarili. Muli akong pumasok sa Jeep nang makita ang isang bote sa ilalim ng upuan, mabilis ko itong inabot ngunit hindi ko pa ito nahahawakan ay nanlumo na ang aking katawan, kirot mula sa aking leeg ang sanhi nito. Tuluyan nang bumulagta ang aking katawan sa sahig, kasabay ng mga yapak patungo sa akin. Gusto kong protektahan ang sarili ko pero hindi ko na maigalaw ang katawan ko, unti-unti na ring sumasara ang mga talukap ng aking mga mata. Katapusan ko na ba ito?