Chapter 2

1504 Words
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa matinding lamig na tumatama sa aking balat. Pakiramdam ko lumilipad ako sa kalawakan- ang sakit ng ulo ko. At hindi ko alam kung bakit ganito ang sumalubong sa akin ngayon. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nagtaka ako nang makita ang 'di pamilyar na lugar sa akin. Ang naaalala ko ay nasa sasakyan ako kanina. Pero ngayon ay tila iba . . .para bang lumilipad ako sa ulap. Nasa isang building ba ako? "Oh, lady! You're awake," boses iyon ng isang matandang lalaki. Nagtataka akong lumingon sa gawi kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Napakurap ako nang maalala ito. Siya ang isa sa mga dumukot sa akin. Mabilis akong umupo mula sa katre na hinihigaan ko, saka tahimik na nagsiyasat sa paligid. "N-nasaan ako?" nauutal kong tanong sa lalaki na kasama ko sa kung hindi ako nagkakamali ay isang- Napabalikwas ako nang tayo at hindi nag atubiling lumabas mula sa pintuan ng kwartong pinanggalingan ko. Gulat na gulat ako nang tumambad sa akin ang sunod-sunod na mga upuan. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan! "Lady, I know you're hungry. What do you want to eat?" nakangiting salubong sa akin ng isang babae. Nakauniporme ito tulad nang sa isang flight attendant- teka, nasa eroplano ba 'ko? Pero- bakit walang pasahero? Walang tao bukod sa akin at sa mga taong nagdala sa akin dito. Kung may mga pasahero lang sana rito, madali akong makahihingi ng tulong, pero wala. Tila pinaghandaan ang araw na ito dahil ang lahat ay mukhang planado. Hindi ko pinansin ang babaeng flight attendant na kumausap sa akin, bagkos ay ibinaling ko ang aking atensyon sa isang lalaking nasa aking likuran. "Nasaan ang ibang pasahero rito? Nasaan ako, anong binabalak niyo sa akin?" Binabalot ako ng kaba, gusto kong maiyak sa sitwasyong hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari. Dumaan ang ilang sigundong nakatitig lang siya sa, muli itong ngumiti. "Walang ibang narito kundi tayo lamang, lady. And please, calm down. . .you don't have to worry. Ang Airplane na ito ay pagmamay-ari ni Mcqueen," imporma nito habang nakangiti. Nagsalubong ang mga kilay ko. "Who's Mcqueen?" tanging nasambit ko. "Your MC, lady," mabilis nitong sagot. Unti-unti ay nawala ang ekspresyon sa aking mukha. Ewan ko pero, tila nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi ng lalaking nasa harapan ko. So, totoo nga–na milyonaryo ang lalaking iyon? Teka, imposible na siya ang may gawa nito, ano naman ang dahilan niya? "T-teka! Pinagloloko niyo ba ako? Bakit naman ako ipapadukot ni MC? Sa totoo lang siya na mismo ang nakipaghiwalay sa akin!" Halos mapatid ang litid ko sa paghiyaw. Litong-lito ako sa mga nangyayari. Ano ba talaga ang totoo? Kung totoo man ang sinasabi ng lalaking ito, ano naman ang dahilan ni MC para ipadukot pa niya ako gayung siya na mismo ang nakipaghiwalay sa akin! Hindi kaya. . .may binabalak siyang hindi maganda, kung siya nga ang may kagagawan nito pwedeng gusto niya akong gantihan. Sa labis na pag-iisip ay gano'n ko na lang ininda ang aking ulo nang kumirot ang sintido ko. Hindi maaari ito, kailangan kong makaalis dito. Kailangan malaman ng pamilya ko kung nasaan ako- kailangan isumbong sila sa pulis bago pa mahuli ang lahat. Kidnapping ang ginawa nila at hindi ko ito mapapalampas. Isa pa, hindi ko siya lubusang kilala, paano kung maghiganti nga siya sa akin at patayin niya ako dahil sa galit. Buong lakas kong itinulak ang flight attendant upang makatakbo palayo sa lalaking nasa likod ko, pero bago ko pa magawa ang binabalak kong pagtakas ay muli akong natigilan nang makaramdam ng kirot mula sa aking leeg, hanggang sa bumigat muli ang talukap ng aking mga mata. MGA boses na tila nagtatalo ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Mabilis akong nag-isip ng maaaring gawin sa sitwasyon ko ngayon, napagdesisyonan kong hindi abalahin ang sarili na tumayo. Nanatili ako sa pagkakahiga habang patuloy na nakapikit ang mga mata. Kung mananatili ako sa 'king pagkukunwari na tulog, baka makakuha ako kahit kaunting impormasyon kung nasaan ako at sino ang mga kasama ko ngayon. "Ipinag-utos ni Mcqueen na 'wag natin hahawakan ang lady at ituring natin siyang isang prinsesa, kung hindi, tayo ang malalagot. Paano kung malaman ni Mcqueen ang ginawa mo, Robert?" alalang turan ng isang lalaking kasama ni Robert. Kung gano'n, Robert pala ang pangalan ng matandang lalaki. Ngayon lang ako naka-encounter ng taong nag-uutos na nga lang, siya pa ang may ganang magbanta. Paano kung ituring niya rin ako tulad sa mga tao niya? Katapusan ko na ba ngayon? Sana naman kung tatapusin niya ako, hayaan niya muna na makasama ko pa ang Mama ko kahit konting oras lang. Napaluha na lang ako sa mga bagay na pumasok sa isip ko, pero minabuti ko pa ring tumahimik. Sa sitwasyong ito, kailangan kong maging mas matatag pa dahil wala akong ibang kakampi kung hindi ang sarili ko. "Don't worry, I know Mcqueen. Kung ipaliliwanag ko nang maayos ang lahat, maiintindihan niya na wala ng ibang choice. Kung hinayaan ko ang lady na makatakas mas lalo siyang mag-iinit sa galit, kaya mas mainam na ito," ani Robert. Mag-iinit sa galit? Sino naman ang magagalit, bakit siya mag-iinit sa galit pag nakatakas ako? Ano ba talaga ang plano nila sa akin, ang plano ni MC? "Still, I feel sorry for the lady!" dagdag pa ni Robert. Sorry? Sino naman ang taong makokonsensya matapos dukutin at ilang beses patulugin? Hindi ako naniniwalang malambot ang puso nila lalo na sa mga taong mahihina. Sunod-sunod na mga yabag mula sa labas ang nagpakaba sa akin. Gayunpaman, nanatili ako sa pagpapanggap na tulog. Base sa 'king naririnig ay marami sila. "Where is she?" Isang familiar na boses ang narinig ko na siyang nagpanginig ng buong katawan ko. Shìt! Hindi ito maaari. Kailangan kong itago ang nararamdaman kong takot, kung hindi katapusan ko na rito. Kailangan kong makawala, kailangan kong subukan. "Mcqueen is here!" bulalas ni Robert na siyang lalong naging sanhi nang takot na aking nararamdaman. Kailangan kong panindigan ang pagpapanggap kong tulog. Lumunok ako nang marinig na dahan-dahang bumukas ang pinto. "How is she?" malamig na tanong nito sa hindi ko malaman na kanyang kasama. "Hindi pa siya nagigising simula kagabi," sagot ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay si Robert. Gusto kong idilat ang aking mga mata, ngunit hindi maaari. Hindi ko na marinig ang sumunod na usapan, sobrang hina ng pagbubulungan nila. Anong pinag-uusapan nila? Pinaplano na ba nila ang pagtatapos sa aking buhay? Malakas na sumara ang pinto na siyang ikinabahala ko. Kasama ba nila si Mc– Natigilan ako nang biglang may humaplos sa 'king mukha. "Hi, honey! I've been waiting for you for a long time, and now you are here." Naupo ito sa tabi nang kama kung saan ako nakahiga ngayon. Ano bang sinasabi niya? Amoy ko ang tapang ng alak mula sa kanyang hininga. Halatang bago siya pumunta rito ay uminom muna siya. Anong gagawin niya sa akin? Natatakot ako! "You know? I love you. Let's get married, I will arrange everything for you." Mabilis kong binuksan ang aking mga mata. Hindi alintana kung nakatingin pa siya. Pagmulat ko'y paalis na siya kaya mabilis akong umupo at binuka ang aking bibig. "Wait!" Bigla kong pigil sa kanya. Lumunok ako nang magtagumpay dahil napahinto ko siya. "Oh! You're finally awake, darling," nakangiti nitong wika habang lumalapit sa akin. Agad akong napa-atras at tangkang tatayo na sana, nang hapitin nito ang baywang ko palapit sa kanya. Mahigpit ako nitong sinalubong nang yakap, na ikinatulala ko. Siya na ba ito? Paano ako nagustuhan ng napakagwapong tulad niya? I mean, tila perpekto ito. Mula sa matipuno niyang katawan na dumadampi sa balat ko at matigas nitong mga braso na nakapulupot sa baywang ko, para bang ayaw na ako nitong pakawalan pa. Bukod doon ay napakaganda ng kanyang mga mata. Sapagkat ito'y kulay asul. Ngunit, tila malungkot ito . . . "T-teka!" nauutal kong saad. Buong lakas ko itong tinulak dahilan para mapatuon ang kanyang mga kamay sa kama. Nagsalubong ang mga kilay nito na tila naguguluhan sa ikinikilos ko. Sa malalim na mga titig nito ay muling sumilay ang malawak na ngiti sa kanya. "You smell so good," wika nito na mas lalo pang nagpakaba sa akin. A-anong ibig niyang sabihin? Napaatras ako nang akmang lalapit itong muli. "A-anong gagawin mo? 'Wag kang lalapit–" mabilis kong inabot ang unan sa aking tabi. "Hahampasin kita ng hawak ko!" pagbabanta ko. Natawa lang ito sa sinabi ko na nagpakurap ng mga mata ko. Nababaliw na ba siya? Narito ako at nagbabanta sa kanya pero parang hindi siya natatakot! Huminto ito sa pagtawa at muling lunapit sa akin, mabilis ko naman itong iniwasan sa paraan ng muling pag-atras. Pinanindigan kong matatag ang aking braso habang hawak ang isang unan, kahit anong oras ay handa ko itong ihampas sa kanya, para protektahan ang sarili. "F*ck, you're so beautiful even though you're mad." Manghang sambit niya habang nakatingin sa unang hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD