Chapter 3

1157 Words
CHAPTER 3 SUNSHINE "Hindi ako nag. . .nagbibiro, talagang tatamaan ka sa akin!" patuloy ko. Kahit na hindi ko alam ang kahahantungan ng self defence ko ay gagawin ko pa rin ang lahat, layuan niya lang ako. Tanging pag hinga lang nito na malalim ang niresponde niya sa akin, ngunit hindi nawala ang ngiti nito sa mga labi. Sa tingin niya ba ay nagbibiro ako? Talagang tototohanin ko ang banta ko sa kanya kung kinakailangan. "Dàmn! I have to control myself," mahinang sabi nito. Kinakausap niya ba ang sarili niya, ganito ba talaga ang mga lasing? Naagaw ng mapulang bagay na nasa leeg ni MC ang atensyon ko. Ano ito lipstick? Marahan kong dinampian ng kamay ang leeg ni MC na siyang nag patigil dito sa pagkilos. "Tama ako lipstick nga!" sambit ko sa sarili, sa gitna nang pag-uusisa sa daliri ko wala na akong ibang naisip kung hindi ang, 'sino ang nag bigay kay Mc ng koloreteng ito?' Teka. . .hindi na mahalaga kung sino, dahil kung lipstick nga ang nasa leeg niya ibig sabihin. . .isa siyang fúçk bóy! Nanganganib ako! "What?" bulalas nito. Halata sa kaniya ang pag pa-panic, mabilis pinunasan ni Mc ng panyo ang leeg nito, roon ay bumalik ako sa realidad. Mabilis akong tumalon upang makababa sa kama. Naiwang mag-isa si MC habang pinagmamasdan ang panyong ipinahid nito sa leeg. Muling bumaling ang paningin nito sa akin, dahilan para mabato ako sa kinatatayuan ko. Bago pa man tuluyang makalapit muli sa akin, ay agad kong hinablot ang unang nasa sahig at agad itong niyakap, bilang depensa kung sakali man na yakapin niya muli ako. "What are you doing?" Puna nito sa akin. "Ikaw, anong gagawin mo? Hindi ka na nakontento sa babaeng nakasiping mo, gusto mo pa akong pagsamantalahan!" turan ko habang patuloy na isinisiksik ang sarili sa pagitan ng pader at malaking kabinet. Napahilot ito sa kanyang sintido. "What the hell are you saying?" anas niya. "I am not that kind of person, i am not a play boy." patuloy pa nito. "Hindi ako naniniwala." Pagmamatigas ko. Tinalikuran ako nito habang nakapamaywang. Sundo-sunod siyang nagpakawala ng malalim na mga hininga, na tila kinakalma ang sarili. "That crazy woman! I swear next time that i see her again, I'm gonna crash her head!" wika nito sa kawalan, nangitngit pa ang mga ngipin nito sa galit. Nang mukhang kalmado na ito ay muli siyang huminga ng malalim bago humarap sa akin nang may pag susumamo ang mga mata, siyang ikinagulat ko. "I-i promise nothing happen to us," panimula niya. Sinubukan nitong abutin ang mga kamay ko na siyang awtomatikong umiwas. "Look, that woman is nothing to me, really! She's just always attacking me–i mean kissing my neck just for fun, but we never sleep together and i don't like her," sunod-sunod nitong pag papaliwanag sa'kin. Bakit niya sinasabi ito sa akin? Hindi ko na siya boyfriend at hindi na rin niya ako girlfriend, ayoko naman mag-isip na may feelings siya talaga sa'kin. Hindi na kami, kaya wala akong karapatan sa personal niyang buhay. Hindi kaya, pinaglalaruan niya ako? Naputol ang malalim kong pag-iisip nang dumampi ang kanyang mga kamay sa mga braso ko. Teka! Anong gagawin niya? Mabilis nitong hinapit ang baywang ko saka mahigpit na kinulong ng kanyang mga braso. Sa bilis ng pangyayari, mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang unan na ngayon ay pumapagitan sa mga katawan namin. "A-anong ginagawa mo?" Malakas ang kabog ng dibdib ko na tila sasabog ito, sino ba naman ang hindi sa higpit ng pagkakahawak niya sa baywang ko, halos hindi ako makahinga. Sa ganitong sitwasyon, mas mahihirapan akong makatakas. Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan. "What are you thinking?" puna nito sa akin habang patuloy na nakapulupot ang mga braso sa baywang ko. Hindi ko ito sinagot, patuloy lang akong nakayuko. "Look, are you still mad at me? I swear nothing happen to us. I am sorry so just forgive me. Please!" nagsusumamong ika nito. Ano bang sinasabi niya? Hindi ba siya nakakaramdam na naiilang ako sa ginagawa niya at hindi ako komportable? Hindi ako sanay na hinahawakan ng lalaki, kaya naman gano'n na lang ang panginginig ng katawan ko sa takot at kaba. Minabuti kong itago ang emosyon. Inipon ko ang lakas ng loob upang magsalita, "B-bakit naman ako magagali? Isa pa, wala naman akong karapata-" Natigilan ako sa pagsasalit nang biglang ang atmosphere sa paligid ay nagbago. Inangat ko ang mukha upang tingnan si MC, sinalubong ako nito ng madilim na titig na siyang ikinabato ko. Lalong namayani ang takot sa akin, ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. Mabilis kong nabawi ang paningin at muling yumuko. Kinilabutan ako sa nakitang ang mapupungay at tila kumikinang nitong mga mata ay nabalot ng lamig at galit. Ano ang nasabi kong mali? Lahat ng lumabas na mga salita sa akin ay totoo lamang! "What are you saying?" sambit niya na puno ng lamig. "Of course you have because we are lover, and you are my girlfriend!" detalyadong dagdag pa nito na tanging narespondehan ko lang ng pagtungo. Natatakot ako na pag hindi ako sumagot ay may gawin siyang hindi maganda sa akin, lalo pa't kami lang ang narito. Bigla itong kumalas sa pagkakayakap, tahimik ako nitong pinagmasdan. "You are trembling, s**t! Did i scare you?" alalang usisa nito. Muli niyang hinuli ang magkabila kong braso. "Honey? Say something, please!" pagsusumamo nito. Hindi ko na napigilan pang magtiis, pilit akong nagsalita. "Ha. . .hands off, please." Halos ibulong ko ang sinabi dahil sa paninikip ng dibdib ko. Mabilis niya akong binitawan saka umatras. "I-im sorry, i don't mean it!" malungkot niyang sambit. Napakagat ito ng labi bago muling nagsalita, "Do you want me to get out?" malumanay niyang ika na tinanguhan ko lang. "Understood. But, please, if you need anything just call someone, they are outside for you," bilin niya na siyang tinanguhan kong muli. "I am going," huling paalam nito nago tuluyang nilisan ang silid. Tila nanlumo ang mga tuhod ko nang sumara ang pinto, tuluyan akong napaluhod sa sahig habang sunod-sunod na naghahabol sa paghinga. Buti na lang ay umalis na siya kung magtatagal pa siya rito ay baka nahimatay na ako sa kaba at stress. Nang mapakalma ang sarili, nanatili ako sa sahig habang nakasandal sa pader. Inakap ko ang sariling mga binti saka huminga ng malalim, hindi ko napigilang tumulo ang sunod-sunod na mga luha mula sa mga mata ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata habang kagat ang pang-ibabang labi mapigil lang ang pag hagulhol. Gusto ko nang umuwi, pero paano? Natatakot ako rito, gusto ko na makita si mama. Ayokong manatili sa lugar na ito, sa lugar na hindi ko man lang alam. Ayokong matapos ang buhay kong kasama ang lalaking hindi ko man lang kilala, ni hindi ko nga alam ang tunay niyang mutibo. Pero, hindi ako susuko, hahanap at hahanap ako ng paraan para makatakas lang dito. Dear, God. Please help me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD