WILLFAE Seven na ng gabi pero wala pa rin si Sir. William, siguro mag o-over time ulit siya sa trabaho niya. Kawawa naman si Dianna, kahapon pa siya nagtatanong kung uuwi ba ang daddy niya. Pagdating ko rito sa condo nila sakto namang paalis si Sir. William, mukhang nagmamadali pa nga kaya naman hindi na kami nakapag-usap pa. Ang butler na lang ni Sir ang nagturo sa akin kung ano ang dapat kong gawin, pagtapos no'n umalis na rin siya para bumalik na sa palasyo ng lolo ni Dianna. Tumawag din ang school ni Dianna kaninang umaga, tulad ng sinabi ni sir William start na raw ng pasok niya sa school bukas kaya maaga ko siyang pinatulog. Bumukas ang pinto ng condo na agad nagpatigil sa akin mula sa pagluluto. "We're homeeee!" Sigaw nito na garalgal ang boses. Si Sir. William ba 'yon? "S

