WILLFAE "Do you like him?" seryosong tanong ni William sa akin. Kinilabutan naman ako sa malalim na mga titig nito. "Hindi, no! Kaibigan ko lang siya," mabilis kong sagot at pilit na tumawa. Ano bang problema niya at nag-iba ang mood niya, isa rin ba ito sa ugali niya? Kumurap-kurap ito at nag-iwas ng tingin. "Then. . .why are you laughing with him? Pinapasok mo pa siya rito sa loob." Napalitan ang seryoso nitong mukha nang maamong awra na parang nag-aalangan sa kanyang tanong. Napaisip naman ako sa sinabi nito para isagot sa kanya. "Tumatawa kase siya kaya nakitawa na rin ako, saka bisita siya kaya pinapasok ko. Nakakahiya naman kung andito lang siya sa labas," dahilan ko. "Hindi ka dapat nakikitawa kasama ang stranger," mabilis na sambit niya siyang nagpakunot ng noo ko. "Hindi

