“Walang hiya kang babae ka! Ito ang nararapat sa iyo!” Galit na galit na si Sophie habang sinusugod nito si Ayen. Pinagsasampal at sinabunutan niya ang pobreng si Ayen. Hindi pa ito nakuntento at dinamba pa siya nito dahilan nang pagkakalugmok niya sa lupa. Dinaganan siya ni Sophie at patuloy ito sa pananakita sa kaniya. “Tama na! Tama na!” umiiyak na sabi ni Ayen habang sinusubukan niyang pumalag mula sa pagkakadagan sa kaniya ng babae. “Hindi ka na nahiya! Ito ang nararapat sa iyo! Hmp!” Isang malakas na sampal muli ang ibinigay sa kaniya ng babae. Iyak lang nang iyak si Ayen habang pilit na sinasalag ang bawat pananakit sa kaniya ng babae. Wala siyang magawa kundi hayaan itong saktan siya. Tila siya walang lakas para labanan ito. Hanggang sa isang kamay ang nagpatigil dito. Hinila it

