Nang makarating sila sa kanilang bahay ay pinaupo muna niya si Bernie sa sofa. Inilapag rin niya ang kaniyang bag sa tabi nito saka nagtungo sa kanilang kusina, upang manguha ng maiinom para rito. Nagtimpla na rin siya ng kape at nanguha ng slice ng cake na nakita niya sa ref, bago bumalik sa sala. Maingat niyang inilapag ang tray na naglalaman ng inumin at cake sa maliit na mesa sa harapan ni Bernie, bago siya muling naupo sa tabi nito. “Ano nga ulit iyong sinabi mo kaninang okay na kayo ni Sophie, na naayos mo na ang problrma ninyo?” tanong niya rito habang hinahalo ang kapeng nasa ibabaw ng mesa. Umayos ito ng upo at saka humarap sa kaniya, bago ito nagsalaysay. FLASHBACK… Nasa Coffee Triny si Bernie ngayon kasama ang kaniyang anak at ang ex-wife niyang si Sophie. Kagaya ng naipanga

