LIGTAS

2979 Words

 Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 64 IVY’S POINT OF VIEW   Lumabas si Becky mula sa likod ng Papa niya. Nakangisi siyang parang demonyita. May hawak na kadena. Kadenang ginamit noong baliw-baliwan pa ako. Lahat ng paghihirap ko, lahat ng pambababoy sa akin ni Jaxon noon ay bumalik sa akin. Muling nanariwa sa akin ang aking panaginip. Ito na ba ang simula no’n? Mangyayari na nga ba ang aking panaginip? Hindi. Ayaw ko nang bumalik pa sa pagiging battered wife! Hindi ako dapat mamatay lalong hindi dapat magbuwis ng buhay si Calvin. Wala sa amin ang mamatay. Nang makalapit na si Becky sa akin para kadenahan ako at akmang igagapos na muna ang kamay ko ay nagkatinginan muna kami ni Calvin. Alam ko na ang aking gagawin. Nakataas ang kamay ko. Nanginginig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD