Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 66 JAXON’S POINT OF VIEW Kinagabihan, nagpahanda ako ng masasarap na makakain. Pinalinis ko ang lahat ng sulok ng bahay. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng courage na ipatapon ang lahat ng nagpapaalala sa una kong asawa. Handa na akong palayain ang galit ko sa kanya sa pagdating ni Margie sa buhay ko. Handa na akong lumagay sa tahimik. Gusto ko nang magbago. Si Margie lang pala ang magpapabago sa akin. Bukod kay Lizzie noon, kay Ivy na pinakawalan ko pa, si Margie na ang sa tangin ko ang bubuo sa aking pagkatao. Masaya akong naligo. Iniisip ko pa lang kung paano kami magtatalik ni Margie ay tinitigasan na ako. Lahat ng nalalaman ko kung paano magpaligaya sa isang babae, nasa isip ko na at iyon ang

