Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 67 JAXON’S POINT OF VIEW “Anong nangyari rito? Bakit ganito ha? Andami ninyo, tapos dalawa lang sila, kinaya kayo? Yung isa pa doon sa dalawang iyon eh tatanga-tangang probinsiyana pero nagpatalo kayo?” “Sir, hindi na ho si Ivy na dati ninyong asawa ang nakita ko. Ibang Ivy po na mahusay sa pagbaril at martial arts. Pinatay niya si Papa, Sir! Pinatay ni Ivy si Papa!” “Kung hindi tatanga-tanga ang Papa mo, di sana buhay pa. Huwag mo akong dramahan Becky ha! Marami akong pinoproblema. Kaya namatay ang Papa mo kasi mga tanga kayo! Mga inutil! Sige na. Tulungan mo na ang sila na linisin ang bangkay ng mga napatay.” “Ganoon lang sir? Buong buhay ni Papa, ibinigay niya sa’yo. Ganoon lang ‘yon? Hindi man lang ba kayo

