Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 68 JAXON’S POINT OF VIEW Ilang minuto pa. Lumapit na ang receptionist sa akin. “Tara na ho sir. Ihahatid ko na ho kayo sa office ni Ma’am. Excited ho siyang makita at makausap kayo.” Inayos ko ang aking coat and tie. Tinignan ko sandali ang aking mukha sa salamin. Halatang haggard na ako sa dami ng aking pinagdadaanan at sa kaba na kanina ko pa nararamdaman. Natatakot ako. Sana hindi totoo ang kinatatakutan ko. Sana hindi ako niloko lang ni Margie. Sana isa lang ito sa mga pakulo niya. Si Margie rin pala ang aking makakaharap. Surprise lang niya ito sa akin. Iyon ang gusto kong isipin. Nang binuksan ng receptionist ang pinto ng CDO ay nakatalikod ang naabutan namin sa kanyang upuan na parang may binabasa. “Ma

