Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) FINAL CHAPTER 2 IVY’S POINT OF VIEW Nakita ko si Jaxon, gumagapang palapit sa aming anak. Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. “Mahal ka ni Daddy anak…. Mahal na mahal ka ni daddy at sorry, sorry kasi hindi naging mabuting tao ang daddy mo…” iyon lang at bumagsak na ang kamay niyang nakayakap sa aming anak. Ganoon din si Calvin, bumagsak ang kanyang kamay, nanghina mula sa mahigpit niyang yakap sa akin. Ako man ay nanghihina na rin ngunit may tunog ng cellphone akong narinig. Kailangan kong makatawag ng tulong. Kailangan naming madala sa hospital. Kinuha ko ang tumutunog na cellphone ni Calvin sa bulsa niya. Si Mang Lito ang tumatawag. “Sir, ano ‘yong naruinig kong mga putok! Kumusta kayo diyan? Papasok na ba ako

