Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) FINAL CHAPTER 1 IVY’S POINT OF VIEW Hinawakan niya ang kamay ko. Nagkatinginan kami. Panahon na para lasapin namin ang sarap ng isa’t isa bilang mag-asawa. Nabasa ko sa ngiti niya ang gusto niyang mangyari na gusto ko rin namang mangyari muna bago namin pupuntahan ang mga bisita sa reception. Binuhat niya ako. nagpalakpakan ang lahat. Alam na this! “Kuya Lito? Okey na? Nandoon na sa sasakyan ang susi?” tanong niya kay Mang Lito na nasa pintuan ng simbahan. “Oo nandoon na. Sigurado ka, hindi na kita ipagda-drive?” “Hindi na. Kita kit’s na lang mamaya sa reception Kuya ha?” “Sige sir! Enjoy mo si Ma’am. I mean enjoy kayo.” Sinimangutan ko pero mabilis ko ring nginitian si Mang Lito. Maingat niya akong pinaupo sa passen

