Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 72 IVY’S POINT OF VIEW “Baby ko, will you marry me?” humihikbi niya iyong sinabi sa akin. Nanginginig ang boses niya. Napaka-cute lang ng kanyang hitsura. Yumuko ako. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata at yumuko ako. Hinalikan ko siya sa kanyang labi. “Ibig bang sabihin no’n yes na?” “Yes! Of course, yes!” Nagpalakpakan ang aking buong pamilya. Lahat sila lumapit at binigay ang puting lobo sa akin na hindi ko alam kung saan itinago kanina at kung para saan. “Panahon na para pakawalan ang lahat ng galit at takot sa puso mo baby, these balloons symbolize freedom. Ipasalangit mo ang lahat ng galit at mga pangit na naging karanasan mo sa pagsasama ninyo ni Jaxon. Gusto kong para kang malinis na bond paper

