Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 71 IVY’S POINT OF VIEW Pinatayo siya. Tumingin siya kay Calvin. Nakikiusap. May luha ang kanyang mga mata at puno ng dugo ang mukha. “Pare huwag mo naman gawin ito. Nasa sa’yo na lahat. Lahat lahat ng akin. Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat ang sakit na dulot ng mga ginagawa mo ito sa akin. Nasa sa’yo na ang lahat. Pati pa naman ang kalayaan kong makapagbago ay ipagkakait mo pa?” Nanatiling nakatalikod si Calvin. Yumuyugyog na rin ang kanyang balikat. “I’m sorry Pare. I’m sorry kasi may batas tayong dapat sundin at pairalin.” “Ivyyyy! Ivyyy please! Tulungan mo ako! Maniwala ka naman please! Tulungan mo akong magbago pero huwag naman ninyo akong ipakulongggg! Ivyyyyy! Diyo

