TINA
Maaga akong nag ayos nang mga dadalahin ko sa out reach program namin sa baseco. Isang grupo kami nang NGO na nag sasagawa nang mga programang makakatulong sa mga kabataan. Kasama ko ngayon si manang at iba pa naming kasambahay para tulungan ako sa pag luluto at pagpapack nang mga pagkain dadalahin ko sa Baseco.
Maaga ang call time namin ngayon kaya maaga akong naghanda, nang matapos na kaming mag pack ay nag ayos na ako nang aking sarili. Simpleng maong pants at white shirt lang ang sinuot ko na tinernuhan ko nang rubber shoes. Ipinuyod ko din ang mahaba at maitim kong buhok kaya mas na emphasize ang maliit kong mukha. Nang makunteto na ako sa aking sarili ay lumabas na ako nang aking silid, pababa pa lang ako nang hagdan ay nakita ko na ang mga dadalahin ko na inilalagay na nila manang sa sasakyan. Si Kuya Nestor ang maghahatid sa akin ngayon dahil ayaw kong magdala nang sasakyan.
"Ma'am aalis na po ba tayo?" tanong ni kuya nestor.
"Opo kuya sa may Baseco po tayo." nakangiti kong tugon sa kanya.
Pinatakbo niya na ang sasakyan at ilang oras lang ay nakarating na ako sa lugar kung saan namin gagawin ang outreach program. Sinalubong ako nang mga kasama ko at tinulungang ibaba ang mga pagkain at laruan na dala ko. Nag set up na kami para sa gagawin namin program maya maya lang. Nang matapos na kaming mag ayos ay tinipon ko na lahat nang bata para makapag umpisa na kami, hahatiin namin sa dalawang part ang program ang una ay Feeding program at pangalawa ay story telling at gift giving. Magkakaroon din kami nang mga games para sa kanila kaya alam ko na matutuwa talaga ang mga batang makakasama namin ngayon.
Pinaupo na namin ang mga bata at nag simula na kaming magpalaro, mababakas sa mga mukha nila ang kasiyahan. Malalakas na halakhak ang maririnig sa buong paligid, mga sigawan at asaran ng mga batang kasali sa palaro. Matapos ang mga palaro ay pinaupo na namin sila para sa kanilang food pack, iba ang saya kapag nakikita mo ang mga batang nakangiti at nagpapasalamat sa inyo. Magana nilang kinain ang pananghalian na hinanda namin sa kanila, may mga nanay din kaming volunteer at sila ang magluluto nang pancit para naman sa miryenda nang mga bata.
Habang abala ako sa pag aasikaso sa mga bata ay nakakarinig ako nang mga tilian at hiyawan...
"Ate tina......ate tinaaaa...........!" sigaw nang isang bata sa pangalan ko. Tinignan ko kung saan banda nanggagaling ang pagtawag sa akin at nakita ko ang bata hingal na hingal sa pagtakbo.
"Bakit Biboy? May problema ba?" nag aalala kong tanong sa bata.
"Wala po ate may isang binata lang po na naghahanap sa inyo anyun po siya." sabay turo sa may tindahan na malapit lang sa amin.
Halos sabay sabay kaming lahat na napalingon sa lalaking tinuro ni Biboy na nakatayo sa harap nang tindahan habang umiinm nang softdrinks at kumakain nang hopia, ngumiti ito sa amin saka kumaway.
"Tina, kilala mo ba ang lalaking yon?" tanong ni Meg.
"Hindi ko siya matandaan eh, pero parang pamilyar naman siya sa akin."
"Uy, sa tagal na nating magkasama sa NGO ngayon ko lang nakita na may dumalaw sayong lalaki. Manliligaw mo ba yan Tina?"
"Naku Te Meg hindi po!" mariin kong tangi sa sinabi niya.
"Wala naman ding masama kung may manligaw sayo Tina, beside maganda ka at dalaga kana din naman. Sa edad mong 22 dapat nga may boyfriend ka nang pinapakilala sa amin eh." nankangiti niyang sabi.
Hindi na lang ako umimik dahil hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nakarinig ako nang malakas na tilian kaya bigla na naman akong napatayo at napalingon, makita ko ang mga tao sa paligid ko ay animo mga inasinan dahil sa kilig nang lumapit sa akin ang binata.
"Hi! Naaalala mo pa ba ako?" nakangiti niyang tanong. "Harold miss, harold!" muli niyang sabi. At doon ko lang naalala ang lahat. Siya ang lalaking tumulong sa amin kahapon ni Angel nang ma snatch ang bag ko sa divisoria.
"Naku! Harold pasensya kana hindi agad kita nakilaa." hinging paumanhin ko sa kanya.
"Pano mo naman kasi ako maalala eh sa abs ko ikaw nakatingin kahapon hindi naman sa mukha ko. Pag ba inangat ko ang tshirt ko hindi muna ako makakalimutan?" biro niya sa akin. Bigla naman namula nag init ang dalawang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko pa ang mga kasama ko na sumisigaw.
"Go Harold, maghuhubad na yan....... Maghuhubad na yan." saka sila sabay sabay na nagtawanan nang malakas.
Ang luko lokong harold naman ay akma nang itataas ang tshirt niya na ikinagulat ko. Kaya bigla kong hinawakan ang kamay niya at pinigilan ko siya.
"Jusko po wag ka dito mag hubad wala ka sa Adonis Bar." ani ko dahil sa pagkabigla. Huli na nang marealize ko ang sinabi ko sa kanya.
"Hoy! Tina bakit alam mo ang Adonis Bar?" sita nila sa akin kaya mas lalo na nag init ang buong mukha ko dahil sa kahihiyaan.
Wala na akong nagawa kundi ang magpaalam sa kanila na gagamit nang banyo, agad kong kinuha ang bag ko at nakigamit nang banyo sa bahay na katabi namin, "Tina, ano kaba naman bakit mo naman sinabi yon. Sa dami nang pwede mong sabihin yun pa, saka bakit kaba kasi sa abs nakatingin kahapon, hay pano na to nakakahiya," bulong ko sa sarili ko, napahawak na lang talaga ako sa mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ilang minuto naba ang itinigal ko dito sa loob nang banyo, nakarinig na lang ako nang tawag mula sa labas nang pinto.
"Tina, ano na kanina ka pa jan isang drum ba ang ihi mo at di matapos tapos." sabi ni Ate Patring isa sa kasamahan ko sa NGO.
"Ate naman eh hiyang hiya na nga ako dinadagdagan mo pa." nahihiyang sabi ko na ikinatuwa lang niya.
"Bakit kaba kasi nahihiya? Wala ka naman dapat ikahiya, kinikilig nga kami sa inyo. Infairness Tina ampogi ni papa Harold mestisuhin. Saka malapit lang pala dito ang bahay nila parang sa kabilang baranggay land daw sila." nakangiting sabi ni Ate Patring. "Halika na lumabas kana jan at baka mainip pa si Harold kakahintay sayo may baon pa naman hopia para sayo." pangaasar sa akin ni ate.
Kahit nahihiya ako ay wala akong nagawa kundi ang lumabas at harapin si Harold na naghihintay sa akin. Nang makita ako nang mga bata ang mga kasamahan ko ay abot abot na naman ang pang aasar nila sa akin.
Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay kinuha ko na lang sa box na dala ko ang mga books na gagamitin ko mamaya para sa story telling namin nang mga bata. Lumapit naman sa akin si Harold at iniabot sa akin ang isang box nang Hopia, akala ko nagbibiro lang si Ate Patring kanina.
"Tina para sayo hopia, I HOPIA LIKE IT." he said with a smile, while showing off all his straight and white teeth.
Napatawa ako sa sinabi niya, akalain mo naipasok niya ang hopia sa joke niya. Kaya lahat na naman nang kasama namin ay walang tigil sa pang aasar sa amin dalawa ni Harold.