TINA
Matapos ang insidente kagabi ay hindi ko na nakita ang mga magulang ko kinaumagahan, maaga daw silang umalis. May business trip daw sila sa singapore nang 2 weeks kaya nakahinga ako nang maluwag. Masakit pa ang pisngi ko dahil sa natamo kong sampal kagabi pero ayos lang sanay na ako.
Maaga akong nagbihis para pumasok sa university final rehearsal na namin ngayon para sa graduation namin sa isang araw. Hindi makaka punta ang magulang ko pero nangako si Angel na pupunta siya para samahan ako sa mahalagang araw nang buhay ko.
Bitbit ang susi nang kotse ay lumabas na ako ng silid ko, inabutan ko si manang sa sala na nag aayos ng sapin couch.
Good morning po manang." masigla kong bati.
"Good morning anak, ayos kana ba?"
"Opo manang, kilala niyo naman po ako hindi ako mag mumukmok dahil lang napagalitan na naman ako. Sanay na po ako kay mommy kaya move on agad, fight, fight, fight." nakangiti kong sabi.
"Oh siya kung ayos ka na ay kumain kana nang almusal bago ka umalis. Nilutuan kita nang pabotiro mong almusal skinless longanisa at may sawsawang kamatis at sibuyas, at may prinito din akong tinapa at itlog na maalat. Siguradong mapapadami ang kain mo ngayon." sabi ni manang saka niya ako hinila papuntang dining. Dahil wala nman dito ang magulang ko kaya inaya ko na silang sumabay sa aking kumain, nalulungkot ako kapag mag isa lang akong nakaharap sa mahabang lamesa.
Magana akong kumain kasama ang mga kasambahay, masaya kaming nagkwentuhan habang malalakas na halakhak ang maririnig mula sa akin. Pakiramdam ko ngayon lang ulit ako nakatawa nang ganito kalakas dito sa loob nang bahay.
Matapos mag almusal ay nagpaalam na ako, sinabi ko kay manang na baka gabihin ako dahil pupunta akong divisoria para mamili nang gulay at putas na iluluto ko para sa outreach progman namin bukas.
Nakarating ako nang university at gaya nang dati nakita ko si Hershey na nagaabang sa akin. Nang makita niya akong parating ay sinalubong niya agad ako.
"Bakla alam mo ba ang chika, trending ka na naman dito sa campus." bungad niya sa akin.
"Anong trending? Bakit?" tanong kong medyo naguguluhan.
"Ano ka ba, bakla ka yung nangyari sa party kagabi, nandun din daw sila Cielo kaya ayon for the kalat siya nang chismis dito sa campus."
"Hayaan mo siyang ipagkalat kung doon siya masaya hindi naman ako apektado. Hindi ko obligasyon na ipaliwanag ang sarili ko sa kanila wag na natin silang pag aksayanan nang panahon." sagot ko kay Hershey. Inaya ko na siyang pumunta sa gymnasium dahil doon gaganapin ang rehearsal namin.
Habang nasa rehearsal kami ay panay ang parinig ni Cielo sa akin, pero ako dedma lang pag pinatulan ko siya hahaba pa at baka mag away pa kami. "Kalma Tina, huwag mo siyang papatulan hayaan mo lang tumahol ang aso magmaganda ka lang." bulong ko sa sarili ko. "Inggit lang yan sayo kasi chaka siya." muli kong bulong sa aking sarili.
"Hoy,Tina kanina ka pa jan tumatawang mag isa baka gusto mo naman ishare sa akin kung ano pingtatawanan mo." sita sa akin ni Hershey.
"Wala naman naisip ko lang yung asong panay ang kahol kahit di mo naman inaano, ayon siya oh." sabi ko sabay turo ko nang nguso ko kay Cielo na kanina pa panay ang parinig sa akin.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako nang matapos ang rehearsal namin, inaya ko si Hershey pumunta muna sa isang coffee shop para magpahinga bago ako pumunta nang divisoria para mamili. Balak kong yayain ang mga kaibigan ko para may kausap ako mamaya habang namimili.
Nakarating kami nang coffee shop at dumiretso ako sa counter, kilala na ako nang mga staff dahil madalas ako ditong magkape kapag mahaba ang breaktime namin.
"Good morning ma'am, parang ngayon ka lang po ulit napasyal dito? Ano pong order ninyo."
"Isang espresso at isang caramel macchiato." sagot ko. Sabay abot nang bayad ko.
Bumalik na ako sa upuan namin ni Hershey at napapansin ko na may kanina pang lalaki na nakatingin sa akin. Medyo kinakabahan man ako pero hindi ko ito pinahalata, baka kasi napapraning lang ako at hindi naman ako ang tinitignan.
Inilabas ko ang cellphone ko at nag chat ako kay Angel.
"Hi, Angel busy ba kayo ni Lei aayain ko sana kayong pumunta nang Divisoria?"
"Hello Tin, ako hindi busy, pero si Lei hindi makakasama kasi pinauwi nang nanay niya sa probinsya ang sabi doon na siya pag aaralin nang Tita niya." reply sa akin ni Angel
Bigla akong nalungkot sa nalaman ko, nawalan na naman ako nang isang kaibigan. Ganoon siguro ang buhay may aalis pero sigurado ako na may bagong darating.
----> Madaming tao ngayon dito sa Divisoria na mga namimili mga mura ang paninda dito kumpara sa iba kaya madalas kapag may mga outreach ako ay dito ako napunta bukod sa mura madami ka pang pagpipilian. Mga damit, laruan pag kain at kung ano ano pang pwede mong bilhin.
Abala na kami ni Angel sa pagpili nang mga gulay na aming bibilihin, Chopsuey at pancit ang napili kong lutin bukas para sa mga bata sa Baseco. Madaming bata sa baseco na kulang sa nutrisyon ang pagkain dahil sa kahirapan nang buhay kaya doon namin pinili na ganapin ang aming outreach program.
"Angel, ano kaya kung bumili pa tayo nang mga laruan para ibigay natin sa mga bata after nilang makinig nang story telling? Sa tingin mo matutuwa ba sila."
"Naku maganda yang idea mo na yan Tina, kahit simpleng laruan lang tiyak na matutuwa ang mga bata sa Baseco." masayang sabi nang kaibigan ko.
Naghanap kami ni Angel nang mabibilhan nang mga laruan na whole sale para mas makamura kami habang naglalakad kami sa isang sidewalk ay may isang lalaki na sumusunod sa amin. Kanina ko pa napapansin na sinusundan niya ako pero hindi ko lang pinapansin naka short siya nang maong na butas at nakasando nang puti at may hikaw sa kaliwang tenga niya. Nasa hitsura niya ang hindi gagawa nang mabuti, hindi ko na lang pinansin nang bigla akong siniksik nang isa pang lalaki at biglang may bumaltak nang bag ko. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad ako napasigaw, kaya si angel ang nagsisisigaw para humingi nang tulong.
"Tulong....tulong........may snatcher!" sigaw ni angel kaya nakuha na namin ang atensyon nang mga tao.
Sa di kalayuan ay nakita namin na may nagrarambula kaya hinila ako ni Angel para lapitan sila. Hindi ako agad nakakilos dahil sa takot at kaba ibang takot ang naramdaman ko dahil first time manyari sa akin to.
"Ayan kuya sige gulpihin mo yang siraulo na yan!" narinig kong sigaw ni Angel,. " Suntukin mo pa kuya, snatcher yan.....!" muli niyang sigaw.
Nakita ko na nakahandusay na sa sahig ang lalaking nang snatch nang bag ko at duguan na ang mukha, may dumating na din na mga pilus par huliin ang lalaki. Nagmamakaawa sa akin ang lalaki na huwag ko na siyang sampahan nang kaso nagawa niya lang daw naman iyon dahil may sakit ang anak niya. Nakatingin lang ako sa kanya pero wala akong reaksyon.
Nahimasmasan lang ako nang may isang gwapong lalaki na lumapit sa akin at inaabot ang bag na hinablot nang lalaki.
"Miss, ito na ang bag mo sa susunod na pupunta ka dito ay mag iingat ka madami talagang masasamang tao na naglipana dito sa Divisoria. Mabuti na lang at narinig ko ang sigaw nang kasama mo kaya naharang ko siya." seryosong sabi nang gwapong lalaki.
"Tina, bag mo daw." sabi ni Angel. "Huwag ka sa abs tumingin kasi bag ang inaabot niya sayo." muli niyang biro sa akin.
Bigla akong nakaramdam nang pag iinit nang aking dalawang pisngi dahil sa hiya ko sa sinabi nang bwisit na Angel na to. Nahihiya man ako ay nagpasalamat ako sa gwapong binata. Infairness gwapo talaga siya matangkad, maputi, matangos ang ilong mapula ang labi at higit sa lahat macho sya machopapi daw ang datingan. Napangiti ako dahil sa iniisip ko tungkol sa lalaking kaharap ko.
"Thank you po sir, mabuti na lang po at nabawi niyo ang bag ko kundi maglalakad kami nang kaibigan ko pauwi at wala akong pambayad dto sa mga pinamili ko." nahihiya kong sabi sa kanya.
"Ang dami mo nang pinamili Miss, muka ka naman wala pang asawa para kanino ba yan?"
"Ah ito ba para ito sa mga bata may out reach program kasi kami sa Baseco bukas kaya dito ako namili para mas makamura."
"Wow, may mabuting puso ka pala mabuti na alng at nandito lang ako masaya akong makatulong sayo. Bihira ang kagaya mong may puso para sa aming mahihirap." sabi ng binatang kaharap ko. Kita ko pa ang pagkagulat sa kanyang mga mata dahil sa sinabi ko.
"Maraming salamat ulit sa tulong, Sir." pasasalamat kong muli sa kanya.
"Wala yun miss, saka wag nang sir masyadong nakakatanda bata pa ako at gwapo kaya Harold na lang, Harold Morgan at yoyr service ma'am." nakangitiniyang sabi sabay abot nang kamay niya sa akin.
Iniabot ko din naman ang kamay ko "Christina Dela Cruz but you can call me Tina." nakangiti ko ding sabi sa kanya.
"Saan nga pala kayo sa baseco bukas malapit lang din doon ang bahay namin pwede ko kayong samahan para naman may body guard kayo." pabiro niyang sabi
Sinabi ko ang lugar kung saan kami bukas at nag sabi siya na susubukan niyang makarating.