Chapter Nineteen

2259 Words

Chapter Nineteen "AYOS KA LANG BA?" Tanong sa akin ni Erin. May photoshoot ako ngayon sa isang magazine pero nagtatagal kami dahil wala ako sa sarili. Noong isang araw pa ako ganito simula ng sabihin sa akin ni Mommy na nahanap na n'ya ang nawawala kong kapatid. Aware naman ako na may nawawala akong kapatid, at alam ko na nalungkot si Mommy noon dahil sa pag-aakala na namatay ang kapatid ko sa sunog noong bata pa lang kami. Mas matanda s'ya sa akin ng ilang taon kung kaya't hindi ko tanda ang kanyang mukha, nakikita ko lang s'ya sa mga letrato na madalas tinitignan ni Mommy kapag nasa mansion ako. Ang ibang letrato ay nasunog kaya konti na lang ang narecover. Masaya naman ako na nahanap na ang nawawala kong kapatid at sa wakas ay mabubuo na ulit kami, iyon nga lang hindi ko maintindihan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD