Chapter Twenty "SI JASPER?" "Nasa Voice recording Studio ho Maam." Tumango ako kay Marie pagkasagot sa akin. Agad akong pumunta doon. I smiled when i saw him singing. Maingat akong pumasok sa loob para hindi makaistorbo. "He's doing good." Ani Direk Wenn. "Yes. Habang tumatagal ay gumagaling s'ya lalo kumpara sa unang practice n'ya noong nakaraan." Sabi ni Ms. Hazel. S'ya iyong producer para sa album ni Jasper. Nang matapos kumanta si Jasper ay agad na kumaway si Direk mula sa salamin na nagseseperate sa malaking studio. Mula dito ay kita ko ang ginagawa n'ya dahil nga salamin lang naman ang nakaharang. Tinuro ako ni Direk, itinaas ko naman ang dala kong plastic na may laman na pagkain. Umalis si Jasper sa pagkakaupo saka binuksan ang pintuan patungo sa amin. ''You're doing good Jasp

