Chapter 16 - Cake

1532 Words
TILA TUMIGIL ANG LAHAT ng bagay sa paligid. Ang paglalakad ng mga tao, ang pag lipad ng ibon mula sa himpapawid, pag kain ng isang bata sa loob ng paborito nitong restaurant at ang pag hinga ni Lizeth ng mga tagpong 'yun. Kasabay ng pagkarinig niya ng pagtatapat sa kanya ni Clyde na gusto siya nito ay ang pagkabog ng dibdib niya. Napahawak siya 'dun. It was all sudden. Nitong mga nakaraang araw lamang niya sinisimulang patunayan sa kanyang sarili kung gusto ba niya talaga ang binata at ito ngayon ito na nasa kanyang harapan confessing his felling.  "Ano yun?" Clyde smirk a little. Sa wakas ay gumaan na ang kanina pay tila sasabog niyang puso na may pinaghalo halong kaba. "Sinabi kona. Sabi ko na gusto kita." Pag uulit nito. Then Lizeth hear it again. This time ay klaro na ang mga binigkas ni Clyde. "And I want to know you better. What do you think?" Nakahawak parin sa kanyang dibdib si Lizeth. Ni hindi niya alam ang sunod na sasabihin. "Ano, natulala kana diyan. Well i didnt expect a reply from you. Just okay if you see me as a friend." Ngayon nasa ganung posisyon parin ang dalawa ng biglang lumakad si Lizeth papalapit kay Clyde. Pero imbis na sumagot sa tanong ng binata ay isa lamang ang naging sagot niya. "Gusto kong mag kape." "ANO SINABI MO PAKIULIT!" Medyo lumakas ang boses ni Clarisse ang nangyaring tila shooting kagabi. Sinasabi sa isip na buti nalang ay wala siya sa mismong lugar at kung hindi ay isa siya sa mga mag poprotesta sa pagtatapat ng binata. Aba at tinodo talaga nito ang level ng panloloko sa kaibigan. "...eh anong sabi mo?" "Wala lang niyaya ko lang siyang mag kape." Nasa loob sila ngayon ng isang fast food para mag tanghalian. "And then?" "Yun nag usap lang kami. Imagine ah nagpunta pa siya sa may park para lang sabihin 'yun. How romantic hindi ba." Sabay tusok ng tinidor ni Lizeth sa nakahain sa kanyang fried chicken. "Anong romantic dun and hindi mo siya ni reject. Wala kang sinabi na kesyo friend lang ang tingin mo sa kanya, mga ganung eksena?" "Wala, kasi nga i think I like him too, yun nga lang hindi ko sinabi ng direcho. Nahiya ako eh." Umirap si Clarisse pakabila upang hindi 'yun makita ng kaibigan. "Eh bakit hindi mo sinabi na dapat mag friend lang kayo!" Halatang naiirita na ito. "Eh bakit ko naman sasabihin 'yun saka teka. Alam mo nakakahalata na'ko sayo. Bakit parang hindi mo feel yung pag confest sa'kin ni Clyde. May nalalman kaba na dapat kong malaman?" Nag iba ang ora ni Clarisse pati siya ay nabigla sa mga tinuran ni Lizeth. "Ah eh wala naman. Oh kalma kalang my friend. Okay ganito kasi 'yun. Syempre mag friend tayo. Ikaw lang ang inaalala ko. Syempre alam natin na si Papa Clyde ay gwapo, mayaman, malakas ang s*x appeal kaya ang mga lalaking ganun ay may chance na hindi maging loyal sa mga babae. Na gets moba ako?" "Syempre naman. Hindi naman ako estupuda pero ngayon kolang to ulit nadama eh. Lalo pa ngayon na alam korin na gusto niya ako. I feel like im in a dream that i dont want to wake up." Pagkatapos ay pinitik siya ni Clarisse sa noo. "Oh yan tama naba yan para gumising ka." Kumurap ng dalawang beses si Lizeth. Bumuntong hininga. Well tama nga naman ang mga tinuran ni Clarisse. "Well sige pag iisipan ko." "Anong pag iisipan mo?" Tila natigilan naman si Lizeth. "No. I want to know him better tapos dun ako mag iisip." IMBIS NA POLO AT ITIM NA MAONG ay isang puting t-shirt ang suot no Clyde na may logo ng cafe nila upang mag deliver ng lanilang goods sa isang local bake shop sa Alabang. Sila Mark talaga ang nag dedeliver niyon ngunit dahil may family affair daw ito sa Pampanga ay siya muna ang gagawa niyon. Sayang din naman ang kita at exposure ng kanyang cafe. Suot ang puting cap ay pinaandar ni Clyde ang puti nilang van na may logo din ng kanyang cafe. Hindi ito ang unang nangyari. Nangyari din ito ng si Dennis naman ang isa pa niyang staff ang nagkaroon ng appointment. Twenty cakes at thirty assorted cupcake in a box ang binaba ni Clyde pag dating niya sa Thess sweets. "Good morning Maam Thess." "Oy Sir Clyde bakit ho kayo ang nag deliver wala poba sila Mark at Dennis?" "May family gathering daw po. Pinayagan kona dahil nitong mga nakaraang linggo eh hindi ko muna pinag dayoff." "Nako Sir ah, mukhang lumalakas ang business ninyo." "Marami pong salamat at dahil din po 'yun sa inyo." "Nako wala ho 'yun Sir. Sa katunayan nga po niyan eh two days lang eh ubos na agad ang cakes niyo kaya iniisip ko na magdagdag po sana ako ng order." "Ganun po ba. Nako maraming salamat po ulit." Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan ng cake shop. Mula duon ay isang babae ang pumasok . Naka puti ito na tila bistida samantalang hinahawi naman ang hangin ang mahaba nitong buhok habang naglalakad. Lumapit agad ito sa cake display. "Magkano ho ito?" "Chocolate cake Maam, 250 lang po yan." Lumapit agad si Aling Thess sa costumer. Pagkatapos ibigay ang cake ay agad na itong umalis.  "Sir Clyde, ano ho ulit yung pinag uusapan natin?" Nakatingin lamang si Clyde sa may pintuan ng store. Sinsklayan parin duon ang papalayong babae. "Yuhoo Sir Cylde. Mukhang natulala kana diyan." Tila natauhan naman si Clyde.  "Ano ho yun?" Pagkatapos ay natawa na lamang si Aing Thess. "THERE WAS SOMETHING ABOUT THAT WOMAN." Sambit ni Clyde habang nagmamaneho. Kakatapos lamang niyang i-deliver ang mga cakes na order sa bakeshop ni Aling Thess. Ang kanan niyang kamay ay nasa manonela ng kotse habang ang kaliwa naman ay nasa tuhod niya, ganito ang posisyon niya kapag nag iisip. Maganda ang naturang babae. Makintab kapag nasisinagan ng sikat ng araw ang itim niyong buhok, maputi, hindi katangkaran pero kahit na halatang may edad na ito dahil sa itsura nito ay 'di mapag kakailang maganda parin ito. The face of that lady was familiar. Iniisip ni Clyde kung saan niya ito nakita dati pero hindi niya 'yun maalala.  Pag daan niya sa may kanto ay bigla ay kinabig niya ang kotse pakaliwa. It was a coincident na nakita niya ulit ang naturang babae na walang malay. Nakasalampak ito sa lupa at sira at tunaw na dahil sa init ang cake na binili nito. Agad na itinabi ni Clyde ang kotse. Pagkatapos ay agad niyang tinungo ang babae. Kakatwang walang kahit na anong tao sa gawing 'yun ng lugar.  "Miss are you okay Miss." Alalang alala siya dito. Inalalayan niya ang ulo nito at medyo tinapik tapik ang pisngi nito upang magising. Maaring dahil sa init kaya ito nahimatay. Dinama niya ang pulso nito ay buhay pa ito. Niyakad niya ang babae sa lilim at saka sinibukang painumin ng tubig. Maya maya pa ay nagmulat ang babae. Tinignan siya nito. "Anong nangyari?" "Thank god! You dont remember, nahimatay kayo kanina."  "Nahimatay..." napatingin ang babae sa nahulog na cake. Halata sa mukha nito ang pagka dismaya. "Thank you pero dapat hindi mona ako tinulungan, naabala pa yata kita."  "No okay lang. Buti nga napadaan ako dito kung hindi..." tuluyan ng tumayo ang babae. Inayos pa nito ang mahaba nito buhok na tumabing na sa kalahati niyang mukha.  "Malapit lang poba sa inyo dito, kung gusto ninyo ihatid kona kayo sa bahay ninyo."  "No hindi na."  "I insist, baka mamaya mahilo pa kayo ulit." Tahimik lamang ang babae. Nakatingin lamang ito sa lupa. "Okay I think you dont talk to strangers. By the way Im Clyde. Clyde Braganza." Pagkatapos ay inofer ni Clyde ang kanan niyang kamay dito.  "Braganza!" Gulat ng babae. "Bakit po?" Pagkatapos ay tumingin ang babae sa kanya. Mataimtim 'yun. Tila binabasa nito ang nakaraan niya.  MULA SA KADILIMAN AY UNTI UNTING lumabas ang isang lalaki na naka fedora na itim. Nakasuot itong itim din na polo at itim na pantalon. Pagkatapos ay dahan dahan itong lumapit sa kotseng naka parada sa tapat ng isang lib lib na lugar sa may Tomas Morato. Pagkapit sa kotse ay dramatiko namang bumaba ang salami  ng bintana ng kotse. "Are you the Client?" Inaninag ng tinatawag na "black mamba" ang bago niyang kliyente pero kalahati lamang ng mukha nito ang nakikita niya. Ilang sandali pa ay isang folder ang inilabas ng kliyenta sa may bintana ng kotse. "All you need to know is in that folder. I just want to know all about that name."  ""I get it Sir."  "Good. And make sure that you dont get caught." Tumawa si Black Mamba. "Tatawagin ba akong Black Mamba for no reason Sir."  Tumungin kay Black Mamba ang kliyenta. At saka lamang namukaan nito kung sino ang bago niyang Client. "Okay as you say so." Pagkatapos ay itinaas na muli ang bintana ng kotse. Hanggang sa pag alis ay nakamasid lamang si Black Mamba sa pulang kotse ng bago niyang kliyente. Na hanggang ngagon ay hindi parin siya makapaniwala na ang bago niyang kliyente ay ang sikat na si Elliot Braganza.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD