Prologue:
MY HALFBLOOD PRINCE
Copyright © 2020 by AZULAN
All right reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form. This is a work of fiction, Names, Characters, Places, and incidents are either product of authors imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishment, events, or locales is entirely coincidental.
__________
SUMUGOD AGAD SI DON RODRIGO ng nalaman niya na manganganak na ang kanyang asawa na si Eliza Braganza. Nasa kalagitnaan pa naman siya mg isang mahalagang pag pupulong. May itatayo kasing malaking estruktura ang gobyerno sa isang parte ng Metro Manila at maaring masagasaan ang pagawaan nila ng alak.
Agad na umuwi ng bahay si Rodrigo. Nagtungo siya agad sa may masters bedroom kung saan niya nakita ang asawa. Hapong hapo ito at halatang nahihirapan. "Umiri kapa." Utos ng doktora pero mukhang hindi na kaya ni Eliza. Lumapit si Rodrigo dito at hinawakan ang kamay ng asawa. "Kaya mo 'yan mahal ko." Binigyan niya ito ng lakas ng loob. Tinignan siya ni Eliza, hudyat na muli niya iyong susubukan, kaya naman kasabay ng mahigpit na pagpisil niya sa kamay nito ay siya namang muli niyong pag iri. "Ahggg!" Walang anu anoy nasilayan na ng doktor ang ulo ng bata. "Ayan na konting iri pa!" Muli nitong utos.
Dahan dahang lumalabas ng sanggol mula sa sinapupunan nito. Hanggang sa tuluyan na nga itong lumabas. Nababalot ang sanggol sa dugo at tila madulas na likido. Kinuha naman iyon ng kasama ng doktora at nilinisan.
"Gusto kong makita ang bata." Wika ni Eliza. Umiyak ang sanggol ng bahagya iting paluin sa pwet. Wala namang pagsinayangan ang nararamdamang tuwa ng makita ni Eliza at Rodrigo ang kanilang pangatlong anak. "Kamukha mo siya Pa!" Pagsusuri ni Eliza. Hinaplos naman ng bahagya ang mukha niyon ni Rodrigo.
"Nakuha naman niya ang ilong mo." Wika nito. Pero sa isang saglit ay natigil ito. Mula kasi sa balikat nito ay nakita niya ang isang marka.
"Bakit Pa?"
"Akin na ang bata." Tinignan siya ni Eliza. Nung una ay hindi niya ito maintindihan ngunit pagkakita rin niya sa marka nito ay tila nalaman na niya ang gusto nitong ituran.
"Hindi Pa, huwag mong gawin 'to."
"Sige na mahal."
Tuluyan ng hinawakan ni Rodrigo ang bata mula sa ulo nito at ang kabilang kamay sa puwetan. Pagkatapos ay marahan niya itong binuhat. Pag buhat ay nagmadaling nagpunta si Rodrigo sa may bintana. Tumingin muna siya sa wala pang muang na sanggol. Nanduon sa may sa makapal na kurtina ng sala. Hinawi niya ang kurtina at binuksan Ng bintana. Pagdampi ng liwanag sa mga kamay ni Rodrigo ay nagsimula iyong mamula. Kung magtatal pa siya duon ng ilang minuto ay tuluyan na itong masusunog kaya naman ay sinara na niya kaagad 'yun. Ngunit ang ikinabigla niya ay ang reaksion ng bata. Umiyak nga ito ngunit ni kahit na pamumula o senyales ng pagkasunog ng balat nito ay wala siyang nakita. Nanlumo si Rodrigo sa mga pangyayari. Biglang bumagsak ng kanina'y sabik na expresiyon ng kanyang mukha. Dahil walang kadudaduda na sa ginawa niyang iyon ay kanyang napatunayan na ang kanyang bunsong anak ay isang bantao o kalahating tao, kalahating bampira. Sa madaling salita ang batang isinumpa.
______
Note from the Author:
Magandang umaga o magandang gabi. Kahit saan ka ngayon at nababasa mo ito. Marami pong salamat. Halos anim na taon din akong natigil sa pagsusulat dahil sa mga walang kabuluhang rason hahaha! Pero salamat sa ECQ ay nagka interes ulit akong sumulat. Sana po ay magustuhan ninyo at suportahan ang aking bagong nobela hanggang katapusan.
Marami pong salamat! Azul! :)