PAGKABABA NG EROPLANO ay nagpunta agad si Elliot sa opisina ng Braganza food incorporation. Kakagaling lamang niya ng Paris upang bisitahin nito ang kanyang ina. Nagdradrama kasi sa kanya ito nitong mga nakaraang linggo. Nabuburo nadaw ito sa kakabili ng mga mamahaling sapatos. Kaya naman ng bisitahin niya ito sa Paris ay laking tuwa nito. Kinansela nito lahat ng lakad nito ng tatlong araw upang makasama lamang siya, masasabi niyang siya ang pinaka paboritong anak ng Mommy niya dahil marami silang kinahihiligan. Mahilig si Elliot sa fashion. Sa katunayan nga ay kumuha siya ng kurso na fashion design sa Milan.
Pag bukas ni Elliot ng kwarto ng opisina ay wala siyang nadatnang tao 'dun. Naningkit ang mga mata niya sa inis. Hindi naman siguro siya nagkamali na itext ang kanyang bunsong kapatid na si Clyde. Ano naman kaya ngayon ang palusot nito? He barely ring his cellphone pero walang sumasagot. As in fifteen times. Hanggang sa hinanap niya ang cellphone number ni Mang Carding sa kanyang inbox.
Nang nakausap naman niya si Mang Carding sa telepono ay sinabing nasa biniling cafe daw nito ang kapatid. Nang marinig ay gusto niyang ibato ang telepono. Talagangng sinasadya ni Clyde ang sitwasyon.
"MARK YUNG SINAGE OKAY NABA?" Tanong ni Clyde sa serbedoro niyang si Mark pagkagaling niya ng the Midnight Cafe. Yung ang pangalan ng Cafe na binili niya isang taon na ang nakakaraan. Ang cafe na ito ang kanyang lover sa ngayon. Oo wala siyang girlfriend even the spell of love ay hindi niya yata alam. Sabihan siyang pusong bato, yeah maybe pero yun ang totoo. Kung ikukumpara sa kanyang mga kapatid. Si Clyde na nga yata ang pinaka torpe.
"Sir Clyde okay naman po."
" Eh yung mga upuan Dennis okay naba. Within a minute mabubukad na tayo."
"Yes Sir maayos na." Omokey sign pa si Dennis.
"Alrigth!" Muling pinagmasdan ni Clyde ang buong lugar. Makita niya lamang ang ganda ng binili niyang cafe ay nagiging masaya siya. This is His energizer. Nakakalimutan niya ang problema ng sa kanyang pamilya. Maya maya pa ay isang kotse ang bigla nalang dumating mula sa harapan ng cafe. Napatingin sila lahat 'dun. "First costumer?" Hula ni Mark. Pero sa dating palang ng kulay pula niyong kotse ay alam na ni Clyde kung sino iyon. "Mukhang hindi." Bumukas ang pintuan niyon. Mula duon ay lumabas ang isang matipunong lalaki. In his white three fourt polo and cream jeans "Sabi ko na nga ba!" Bulong ni Clyde sa sarili. Marahang pumasok ng cafe ang lalaki. Akala mo'y superstar ito na kakagaling lamang ng isang engrandeng concert.
"So ano 'yun kuya?"
"Ganyang mo talaga ako babatiin Clyde pagkatapos mong hindi magpunta ng office. Nagbago ka naba ng number?" Tuluyan na itong lumapit.
"Hindi."
"So why!" Medyo napalakas ang boses nito." Nagtinginan ang lahat sa inasta ni Elliot. Kaya naman ay kinayag siya ni Clyde papunta sa likod ng cafe. Pagpunta 'dun. Imbis na sumagot si Clyde sa galit ng kanyang kuya ay bigla niya itong niyakap. "I miss you." Tila naantig naman si Elliot sa inasta ng kapatid. "I miss you too."
Halos si Clyde lamang kasi ang nakatira sa Pilipinas. Sila Elliot, at ang panganay nilang kapatid na si Denver ay pinursue ang kanilang mga career sa ibang bansa. "Its been a year pero parang isang dekada nakong nawala." Pinagmasdan ni Elliot ang kapatid na parang batang nakayakap parin sa kanya. "Our baby boy, pero not a baby anymore." Bumitaw sa pagkakayakap si Clyde. "Pero baka nakakalimutan mo, hindi ka parin sumipot sa usapan natin, how you become the c.e.o of our compsmany kung ganyan ka."
"Yun nga eh, ayokong maging ceo"
"You have no choice. Sino ako eh nasa Milan na yung kurso ko."
"Pero kuya. Saka diba ako yung bunso eh bakit ba ako yung pinipilit nyo, besides I think Im not capable of.. " halata ang lungkot sa boses ni Clyde.
"Yan nanaman tayo eh." Dinantay ni Elliot sa kanyang kamay sa balikat ng kapatid. "Ayoko ng drama ah please stop that nonsense." Iniba nalang ni Elliot ang mood nito. "Alam mo mas maganda pa, ipatikim mo sakin yung new flvor ng coffee niyo." Pagyaya nito.
HINDI NAMAN TALAGA gusto ni Clyde na mag maniobra ng isang malaking kompanya. Mas gusto pa niya na mag bake ng cake at mag timpla ng kape sa cafe niya. Ewan ba niya pero nawawala ang pagod niya at lahat ng alalahanin eveytime na nandun siya. Mag alalas singko na ng umaga ng makauwi siya sa kanilang mansiyon sa Pasig. Bubuksan pa lamang niya ang saradora ng mansiyon ng otomatiko iyong bumukas. "Master Clyde." Bati sa kanya ni Mang Carding.
"Mang Carding, inamayos nyo napo ba yung ilaw sa may banyo sa itaas?"
"Opo inayos ko napo." Halos bata pa lamang sila Clyde ay nagtatrabaho na si Mang Carding sa kanila pati ang asawa nito. Kaya lang simula ng namatay ito dahil sa di inaasahang aksidente ay mas pinili na lamang ni Mang Carding na dito tumira at pag silbihan habang buhay ang pamilya Braganza. Total wala narin naman siyang mga magulang, ulila na itong lubos.
Nagpunta na si Clyde sa kanyang kwarto. Ang sandaling pagbisita ni Elliot sa cafe niya ay sandali lang din na paglasap sa isang kasiyahan. Habang naglalakad siya papunta sa kanyang kwarto ay nadadaanan niya ang kwarto ng kanyang mga kapatid. Patay ang ilaw ng mga kwarto nito kagaya ng kalungkutan na nararamdaman niya ngayon.
Minsan hindi niya mapigil na sisihin ang sarili. Na ang sumpa na sinasabi nila ay ang dahilan kung bakit nagkawatak watak silang lahat. Isang sumpa na dadalhin na yata niya habang buhay. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Nakaupo siya ngayon sa kanyang kama ng kunin niya ito. "Hello Ma!"
"How are you, tinuruan kaba ng kapatid mo about our business." Matagal na hindi sumagot si Clyde.
"Oo Ma." Pagsisinungaling niya.
"Well good. And sya nga pala. Prepare yourself for our family reunion." Napatingin si Clyde sa kawalan pagkatapos narining iyon. Sa sobrang busy niya sa cafe ay nakalimutan na niya ang tungkol 'dun. "Okay Ma." Magsasalita pa sana si Clyde ng bigla siyang binabaan ng ina. Ngayon mas lumaki ang kutob nito na dahil sa reunion na darating ang dahilan kung bakit siya nito pinagsisiksikang turuan sa kanilang negosyo.
Nakaramdam nanaman ng stress si Clyde. Inihagis niya ang kanyang telepono sa kabilang banda ng kama at pumikit. Iniisip kung ano nanaman kayang alibi ang sasabihin niya sa kanyang kuya Elliot bukas pera hindi ito siputin. Pero habang nakapikit ay bigla na lamang nag alarm ang kanyang orasan. Rinig na rinig 'yun sa buong pangalawang palapag ng mansiyon. Kasabay ng pagkaramdam ni Clyde ng pag kuryente sa buo niyang katawan. Yun na ang senyales na nagsisimula na ang kanyang sumpa. Magmula sa talampakan, tuhod paakyat sa balikat tungo sa kanyang bumbunan, akala mo'y pinalibutan siya ng buhay na kuryente. Pag dilat niya ay parang walang nangyari. Tumayo siya mula pagkakahiga, lumapit sa salamin at pinag masdan ang sarili. Sinasabi sa kanyang sarili na panibago nanaman itong araw ng kanyang muling pagiging tao.
HINDI MAGKA MAYAW SI LIZETH sa kanyang ginagawa ng lapitan siya ni Clarisse, tumabi ito sa kanya. "Sis may gagawin kaba mamaya?" Nakangiti nitong tanong.
"Kung matapos ko batong report, why not." Mag iisang taon na si Lizeth sa pinag tatrabahuhan niyang kompanya ang White horse inc. Office assistant siya duon.
" Sige na at sumama kana. Halos lahat yata pupunta ikaw lang hindi." Tinignan siya ni Liz.
"Kasi naman tapos kana sa gawain mo, eh ako." Medyo sumimangot ito. Paano ba namang hindi siya mahahagol ay sa kanya binigay ng kanilang boss ang file expenses ng kompanya. Nabuntis kasi ang nakatalaga dito, nag leave ito. "Sige na papilit pa si ghorl oh. Saka for sure magugustuhan mo 'dun. More on seafoods ang kakainin natin dun, diba favorite mo 'yun?"
Hinampas ni Liz ang kanyang kamay sa may lamesa. "Alam mo nakakainis ka, alam mo talaga kung pano ako i-convinced."
"So sasama kana?"
"Oo na." Sabay ngiti nito.
NAKASIMANGOT NG MULING bumalik si Elliot sa "The nigth cafe" paano ba namang hindi nanaman siya sinipot ng kapatid niyang si Clyde sa usapan nila. Bigla niyang binuksan ang glass door ng cafe. "Cylde!!!" Sigaw niya. Walang anu anoy biglang lumabas si mula sa may bar area. Nasa ilalim pala ito niyon upang ayusin ang mga baso at mga condiments 'dun.
"Ano yun kuya?"
Suminghal si Elliot. "Anong ano 'yun? Niloloko moba ako, bakit hindi ka nagpunta ng office?"
"Alam ko."
"So what happened?"
Lumapit si Clyde kay Elliot, lumabas ito ng bar. "What is your motive kuya kung bakit moko tuturuan sa negosyo natin?"
"Anong klaseng tanong yan Clyde?"
"Exactly kuya, tumawag sa,kin si Mama kahapon at nasabi niya sakin yung tungkol sa reunion."
Napalunok si Elliot. Hindi siya agad nagsalita. "About that..."
"May kinalaman kaba dito? At first akala ko tinuturuan mo ako for the sake of company pero nung si Mama na ang nagsalita..." ngumisi si Clyde. "Ginagawa niyo ito for the sake of reputation. Ano yun kuya para hindi kayo mapahiya. Because im a half blood. Para nga naman kahit na sinumpa ako sa pamilya natin ay hindi nila ako iismolin dahil may alam ako sa company. For the first place sinabi kona kay Mama na ayoko pero pinipilit nyoko. Pero ngayon alam kona."
"Clyde its not what you think."
"So ano pala kuya? Kampi kaba kay Mama?"
"Clyde please."
"Kuya gusto ko munang makapag isa please ." Pagkatapos ay tinuro ni Clyde ang pintuan ng cafe. Hindi na komontra si Elliot. Nirespeto na lamang niya ang desisyon ng kanyang kapatid at tuluyang lumabas ng cafe.
ISANG MALAKING GRILLED TILAPIA, buttered grilled tagong with melted cheese on top, gambas, stuffed squid at marami pang ibang putahe at alak ang nakalagay sa lamesa pag dating nila Liz sa may Gilsborough restaurant. Na late sila Liz pagpunta duon dahil tinapos pa nila ang kanyang report. Buti na nga lang ay tinulungan siya ni Clarisse kung hindi ay baka wala na silang maabutan.
"Oh late na kayo." Banat ni Sir Wax ang may kaarawan. Si Sir wax or Waximo ang pinaka senior employee sa kanilang kompanya. Ang kwento kay Liz ng mga iba niyang ka trabaho ay nakuha daw nito ang posisyon nito bilang manager di dahil sa senority nito kundi dahil sa pagiging sip sip.
"Umupo kayo dito." Tinapik ni Wax ang upuan na nasa tabi niya. "Ikaw Clarisse dun ka sa kabila." Utos nito. Pag kaupo ay kinuhanan siya nito ng baso at agad na nilagyan ng alak. "Hindi po ako umiinom Sir " pagtanggi ni Liz.
"Really, kahit ngayon lang." Tumingin naman si Liz kay Clarisse. Pati ito ay sumenyas na huwag siyang uminom. "Please isa lang."
Romolyo ang mga mata ni Liz. "Okay Sir basta isa lang."
"Promise is promise." Halata sa galaw ni Sir Wax na natamaan na ito ng espiritu ng alak. Pagkatapos ay kinuha ni Liz ang baso na may alak, ininom niya 'yun. Kumunot ang mukha niya sa pait. "Thats my girl!" Sabay akbay sa kanya ni Wax.
Matagal ng may gusto si Sir Wax kay Liz. Nalaman na lamang niya 'yun ng minsan pinadalahan siya nito ng chocolate nung Valentines day na may maliit na card na may note na I love you. Nahihibang na ata ito. Hindi lang kasi sipsip si Waximo dahil babaero din daw ito ayun sa mga bubuyog sa opisina.
Habang patuloy ang pagsasaya ng lahat ay biglang may tumawag sa telepono ni Lizeth. Pag tingin niya sa screen ng kanyang telepono ay nabasa niya ang pangalan ng kabilang, Si Boss Albert. "Yes Sir." Sinagot niya ang tawag. Tumayo siya at lumabas. Hindi niya kasi marinig ang sinasabi nito at medyo mahina ang reception sa loob. Kakamustahin lang pala ni Boss Albert ang mga report niya. Pagbaba ng telepono ay napatingin si Liz sa banda pa roon. Isang cafe ang umagaw ng kanyang pansin. Lumapit siya dito, siguro namay hindi siya hahanapin ng mga kasaman niya. Konting silip lang nanan ang gagawin niya "The nigth cafe." Basa niya sa sinage na hugis tasa ng kape. Pinagmasdan niya ang paligid. Wala pa duong crew kaya malamang na sarado pa ito. "Sayang" bulalas niya ngunit hindi paman siya tuluyang nagtatagal ay isang kamay ang bigla na lamang humila sa kanya. Si Clarisse pala yun na kanina pa pala siya hinahanap. "Anong gingawa mo dito?"
"Sinisilip kolang itong cafe." Wika ni Liz. Minsan magpunta kaya tayo dito."
"Well," pangunguna ni Clarisse. "Parang ito yung nabasa ko sa newsfeed ko nung nakaraang araw. Itong cafe na gabi lang bukas. Ang creppy diba. Pero prend ang pogi daw nung may ari nito."
"Talaga ba, dyosko fake news nanaman yata yan." Tinapik niya si Clarisse sa balikat. "Halika na nga at bumalik na tayo 'dun." Pagkatapos ay sabay silang bumalik sa may restaurant. Ang hindi nila alam ay may dalawang mata pala ang nakamasid sa kanila kanina pa.