Chapter 2 - Dream

1207 Words
MADILIM ANG PALIGID, isang malamig na hangin ang bigla na lamang umihip sa buong katawan ni Lizeth habang naglalakad siya sa gitna ng kagubatan. Napayakap niya ang kanyang sarili ng maramdaman niya ang lamig ng hangin. Bakit nga ba siya naroon? Paano siya napunta du'n? Sari saring katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan habang pinagpapatuloy ang paglakad. Hanggang walang anu anoy isang pigura ang tila naaninag niya sa isang matayog na puno. Nakasilip ang kalahating mukha nito dito. "Sino 'yan?" Tanong niya pero hindi ito sumasagot. Napalunok siya. Kung hindi niya lalakasan ang loob ay maaring hindi na siya makalabas pa ng gubat. Kaya naman ay pinagpatuloy niya ang pag tungo sa puno. Maaring may alam ang nilalang na nakasilip upang tuluyan na siyang makauwi. Ngunit ng tuluyan na siyang makalapit dito ay bigla itong nawala. Hinanap niya ito sa buong paligid ngunit hindi niya ito makita. Nakaramdam siya ng kaba. Napahawak sa kanyang dibdib ng hindi niya mawari. Hanggang sa naramdaman niya ang tila pag hinga mula sa likod ng kanan niyang tenga. Mukhang alam na niya kung nasan ang nilalang na sumisilip kanina. Napalunok siya. Lilingunin niya sana ito ngunit bigla siya nitong kinagat sa leeg. Ramdam niya ang pag baon ng matalas nitong ngipin pagkatapos ay bumulwak ang sariwa niyang dugo. Hapong hapo ng magising si Liz mag aalas singko ng madaling araw. Bumangon siya agad sa may kama at nagpunta sa kusina. Uminom siya ng malamig na tubig. Isang wirdong panaginip ang napaginipan niya. Napaka linaw ng lahat. Hanggang ngayon ay tila ramdam pa niya ang pag kagat ng lalaking iyun sa kanyang leeg. "Bampira?" Usal niya. Napatulala siya ng bahagya habang nag iisip. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip nayun? Hindi naman siya nanood ng horror movie kanina o kaya naman ay nag basa ng libro tungkol sa kababalaghan. "Nakakatakot." Asik niya sabay inom ulit ng tubig. Hanggang sa opisina ay dala parin ni Liz ang pagka tuliro. Sabayan pa ng puyat dahil hindi na siya nakatulog pagkatapos ng wirdo niyang panaginip. "Sis okay ka lang?" Biglang nagkaroon ng katinuan si Liz. Kanina pa pala siya nakatulala. "Ano yun?" "Ano nanaman ang ginawa mo kagabi at mukang puyat ka. Buti na lang eh dayoff ni Masungit manager kung hindi  memo ka agad dun ghorl." Pumukit pikit si Liz. "Binangungot kasi ako kagabi Prend. Basta ang wierd, eh pagkatapos nun hindi nako makatulog kaya ganto ang feeling ko." "Tungkol saan naman ang panaginip? OMG, huwag mong sabihin na hinahabol ka ni Sir Wax tapos nahuli ka niya at pinaghahalikan!" Hinampas niya ito. "Oy ikaw huwag kang imbento, baka may makarinig satin." "Im just stating a fantasy scene or maybe a horror scene ikaw na bahala." Natatawang sabi ni Clarisse pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone nito. "Alam mo para hindi ka ma stress sagutin mo nalang tong mga to." Isang pindot pa ang ginawa ni Clarisse pagkatapos ay binigay nito yun sa kanya. Isang page sa f*******: ang nakita ni Liz. Isang question and answer na may gantimpala daw. "Ano namang reward nito. One year supply ng instant noodles?" "Malay mo naman higit pa dun. Saka diba expert ka sa mga dessert kaya easy lang yan sayo." Pag be-build up nito kay Liz. Romolyo ulit ang mumunti niyang mata. "Whatever." "ANO PO SIR ISANG PROMOTION?" Gulat ni Mark pagkatapos ay ipinakita ni Clyde dito ang kanyang telepono. Gumawa si Clyde ng f*******: account ng cafe nila at para daw dumami ang kanyang mga costumer at naglagay siya ng isang maliit na palaro. Ang mechanics kailangan muna nilang ilike ang page at sagutin ang limang mga katanungan. Raffle draw ang paraan kung sino ang mananalo. "Alam mo Sir maganda yang naisip ninyo pero teka ibig ba nitong sabihin ay binubuksan niyo narin ang cafe sa mga hindi bampira?" "I think its time, saka sa oras ng pagbukas natin maaring konti lang na portion ng mga tao ang pupunta, majority parin natin ang mga parokyano nating bampira." "Sabagay tama kayo Sir. Saka maganda din yun para tumaas din ang profits natin ." Wika ni Mark. Biglang tumahimik si Clyde. "Guys siguro alam n'yo naman yung kalagayan ko, well hindi ba kayo natatakot sa'kin?" "Nako Sir hindi, kahit na tinatawag kayo na halfblood eh hindi naman siguro yun nakakaapekto sa trabaho natin o sa pagiging bampira natin. Business is business parin." Paglilinaw ni Mark "Saka Sir need din namin ng pera, income ba." sabay nagtawanan ang tatlo. "Eh Sir ano naman po ang premyo ng mananalo?" Tanong naman ni Dennis. "Wala pakong maisip." "Kung date nalang kaya." Sabat ni Mark. "Date o kaya eh isang malaking cake." "Well good idea, tignan natin." Pag uwi ng mansiyon ay nag uwi si Clyde ng isang cake para kay Mang Carding. Its semi sweet chocolate cake dahil alam niyang mataas ang sugar ng katiwala niya. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa kanyang kwarto. Pag bukas niya ilaw ay isang malaki na pahabang box ang nakita niya sa gitna ng kanyang kama. Kulay itim ito na may kulay puting card. Kinuha niya ang  card, binasa. Sinasabing suotin daw niya ang nasa loob sa darating na reunion. Ayaw niya sanang buksan ang nasabing kahon pero na curious siya. Pagbukas ay bumungad sa kanya ang isang itim na tuxedo with matching necktie. Maaring galing iyun sa kanyang kapatid na si Elliot o sa kanyang Ina. Ayaw talaga siyang tantanan ng mga ito. Sinarado niya ang kahon pagkatapos ay nagtungo naman siya sa kanyang maliit na workplace. Binuksan niya ang kanyang laptop. Nagtungo sa may f*******: page ng cafe. Kung sasamahin ay mahigit sa isang daang entry ang sumagot sa munti nilang palaro. Karamihan ay mga babae. Pero sa kakapindot niya pababa ay isang babae ang umagaw ng kanyang atensiyon. "Its you again." Bulong niya habang pinuntahan niya ang f*******: page nito. INUNAT NIYA ANG KANYANG KAMAY sa ere ng matapos ang mga dapat niyang report ngayong araw. Hindi niya akalain na maaga siyang makakauwi. Buti na nga lang ay hindi naging sagabal ang mga isipin niya sa pera at wirdong panaginip upang bumagal ang trabaho niya. "Hai buhay." Niligpit na ni Lizeth ang kanyang mga gamit. Nilagay niya sa isang folder ang mga paperworks niya, ang mga digital file naman ay dinouble check niya. "Sis!!!" Isang sigaw ang nagpagulat sa seryosong anyo ni Liz. Muntikan na siyang mapamura. Lumapit kaagad si Clarisse sa kanya. "Sis hindi ka maniniwala, may good news ako sa 'yo!" Tumaas ang kilay niya. "Ano 'yun nakikipag balikan yung ex mo sayo?" "At kailan pa 'yun naging good new aber. Tigilan na nga yan." "Ano nga?" Umayos ito ng upo sa harapan niya. "Alam mo yung contest na sinalihan natin kahapon. Well guest what, nabunot ka!!!" Yinugyog ni Clarisse ang buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay abot yun hanggang sa kaluluwa niya. "Bakit ako eh diba cellphone mo 'yun?" "Yes cellphone ko nga pero pangalan mo yung nakalagay." Kinuha ni Lizeth ang telepono ni Clarisse upang konpirmahin ang mga sinasabi nito at totoo nga yun. Nakalagay in Bold letters ang pangalan niya. "And guest what kung ano ang premyo?" Napatingin si Liz sa kaibigan. "Ano?" "Date sa may ari ng cafe." Wika nito habang kinikilig. "Anong cafe?" Iniscroll up ni Lizeth ang telepono ni Clarisse. Duon niya lang nabasa mula sa header ng page ang pangalan ng cafe, walang iba kun'di ang the The midnight cafe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD