Episode 14 - Formula

1553 Words
MAG AALAS SAIS na ulit ng umaga. Hudyat na iyon na muling pagbabalik ni Clyde tungo sa pagiging tao. His body starts aching, ang mga muscle sa ibat ibang parte ng kanyang katawan ay nagsisimula naring manakit. Tila nagsusuntukan ang mga ito sa ilalim ng kanyang malasutlang balat. Napapahawak na lamang si Clyde sa gilid ng kanyang kama habang nakapikit. Pinipigilan niyang sumigaw, may pagkakataon pa ngang tumutulo na ng kanyang laway sa sakit na nararanasan. "Master Clyde." Walang ano anuy dumating sa kwarto ng binata si Mang Carding. Inalalayan siya nito mula sa pagkakasalumpak sa sahig. Hinawakan ng matanda si Clyde sa balikat at marahang tinayo. Ngayon nanginginig ang buo niyang katawan. "Mang Carding." Pag mamakaawa ni Clyde habang nahihirapan. Ngayon lamang siya naging ganun. Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya sa sakit na kanyang nararamdaman, hindi na siya nasanay. Habang nasa ganung posisyon ay narinig ni Clyde ang malakas na pag ring ng doorbel. Minulat niya ang kanyang mapulang mata na dahan dahang nagiging itim. "May tao sa ibaba?" "Ano ho?" "Sige Mang Carding ako na ang bahala sa sarili ko. Puntahan nyo muna kung sino 'yun." Gusto pamang tulungan ni Mang Carding si Clyde ngunit mas sinunod niya ang utos nito. Pag baba ni Mang Carding sa may entrance hall ay mas lalong lumakas ang ring ng doorbell. Pagkatapos ay kinuha nito ang saradora ng pintuan at saka ito binuksan. "Hi Mang Carding, si Clyde poba nandiyan?" "Ah si Master Clyde ah ehh..." hindi alam ng matanda kung patutuluyin ba niya ang dalaga. Ano kaya ang pwede niyang sabihing alibi dito? "Mang Carding sino po yan?" Isang boses ang bumasag sa mga sipantaha ni Mang Carding. Hanggang sa naramdaman na lamang niya na lumapit si Clyde sa may pintuan na parang walang nangyari. Nagtitigan sila sa mata, tila sinasabi na he can handle everything. "Miss Lizeth is that you?" Tinignan ni Clyde ang postura ng dalaga. Mukhang masaya ito. Napansin din niya ang dala nitong bitbitin. "So hindi moba ako papasukin?" Mukhang naka halata si Lizeth sa pagkabigla rin ng binata. "Sorry i forgot, sure please come in." IBAT IBANG URI NG SANDWICHES ang dala ni Lizeth kay Clyde ng umagang iyon. Halatang pinag handaan iyon ng dalaga dahil kung todo arrange iyon sa isang makulay na plastic container. "Tikman mo'to. Chicken salad sanwich. Hindi ko tinipid ang manok diyan kaya for sure na masarap talaga 'yan." Pagkatapos ay si Lizeth na ang nag abot ng isang slice ng sandwich sa binata. Nasa dine in area sila ngayon pero this time magkatabi sila ng ng upuan malayo sa second date nila na nasa magkabila silang dulo ng lamesa. "What's this?" Tinignan ni Lizeth si Clyde. Halatang isang daang katanungan ang laman ng utak nito ngayon. "Anong ano yan, eh di sandwich. Hindi moto alam?" "Alam ko pong sandwich ito pero bakit moko pinag handaan ng sandwich?" Muling bumilis ang t***k ng dibdib ni Lizeth. Bahagya siyang napahawak 'dun. "Well ang totoo niyan eh magkikita dapat kami ni Clarisse pero nakalimutan kong nasa pampanga pala siya ngayon, yes tama yun nga!" "So kay Clarisse dapat ang mga to at hindi para sa'kin." Matagal ulit nag isip si Lizeth ng kanyang alibi. "Well parang yes pero naisip din kita. Sige tikman mo. Masarap yan." Kinuha ni Clyde ang sandwich sa kanyang plato. Mukha naman itong masarap dahil narin sa mga lettuce nito na lumalagpas sa gilid. "Interesting." Pagkatapos ay kumugat siya. "So masarap ba?" Nginuya nguya 'yun ni Clyde. Napapa make face. Tila hinahanap talaga nito kung saan ang sarap niyon at lasa. "Well..." "Anong lasa?" Tila si Lizeth ay curious rin kung ano nga ba ang sasabihin nito. "Okay." Umayos ang binata ng upo. "Masarap naman... pero you know what." Medyo inilapit ni Lizeth ang mukha niya  dito. "Ano 'yun?" "Mas masarap to kung magsasabi ka sakin ng totoo." Pagkatapos ay ngumiti ulit si Clyde. "Are you flirting with me Miss Lizeth? Kung ganun naman pala eh bakit hindi moko na inforn para napag handaan ko naman." Nagrolyo ang maya ni Lizeth. "Alam mo ang lakas mo. Binigyan lang kita mg sandwiches flirth na agad. Pwede bang..." "Pwede bang ano?" Lizeth was stunt, ni wala na siyang maisip pa na alibi sa mga tagpung iyun. Sabayan pa ng pesteng pagkabog ng kanyang dibdib. Well for the first place ay hindi rin niya mai tindihan ang mga pinag gagawa niya this past few days. "P-pwede bang gusto lang kitang samahan." "Ano samahan ako, bakit?" "Okay fine." Bumuntong hininga si Lizeth. Si Mang Carding kasi na kwento niya kasi na palagi kang nag be breakfast na mag isa." "Si Mang Carding!" Gulat din ni Clyde." Biglang timahimik ang atmospera ng buong kwarto. Nakatingin lamang si Lizeth sa may plato sa kanyang harapan. "So naawawa kalang pala sakin." "Well, ano kasi eh, hindi sa ganun. Im just more worried about you. Everytime kasi na magkasama tayo. Palagi kang nakangiti masaya pero deep inside hindi pala." "Madaling mo sabihin yan dahil you are not in my shoes." "Well siguro nga hindi pero hindi naman kailngan nasa katayuan ka niya para maintindihan mo diba. Para isang problem solving sa math. Kailangan molang pag aralan to how to solve it. But to solve it. You need a formula." Napatingin si Clyde kay Lizeth. "Really then what's the formula?"  "SIGE SA KANAN!!!" Mukhang napalakas yata ang sigaw ni Lizeth ng manood siya sa laro ni Clyde sa may arcade world sa SN Mall of Asia. Ang laro. Thr world of Mantra. "That was easy, wala nabang mas mahirap?" Pag yayabang naman ni Clyde after niyang matalo ang final boss. "Huwag mokong yabangan dahil nasa easy mode kalang." Halukipkip ni Lizeth. "Easy mode bayun eh kahit na nasa normal. Diba nga ikaw ang nag set up." "Okay fine. Not bad for the begginer like you." Tinaas ni Clyde ang kanyang kamay sa ere na tila nag uunat. "Well ano naman ang aking reward sa pagka panalo ko?" Tumaas ang kilay ni Lizeth. "Teka may pinag usapan ba tayong ganun. Diba casual game lang to?" "Alam ko pero parang meron at you know what parang gusto ko ng cold drinks." Nagrolyo ang mata ni Lizeth. "Fine, gusto mo ng milk tea?" Unang higop palang ni Cylde sa inorder ni Lizeth ma milktea ay akala moy inbestigador ito. "Chewy ang mga pearl, the way I like it. Tamang tama rin ang paglagay ng tea na humahalo sa rich din na gatas." Pag katapos ay sinunod sunod nito ang pag higop. "First time mong mag milk tea?" Tanong sa kanya ni Lizeth habang tumambay sila sa isang parte ng mall. Kung saan nakikita ang buong first floor. "Nope, second time pero hindi ko nagustuhan yung una. Mapait." "Tama kung masyadong maraming tea ang hinalo sa milk tea mo, may possible nga na pumait ang lasa. Dapat tama ang sangkap, dapat tama ang formula." "Speaking if formula, so what is the fomula?" Iba ngayon ang mga tingin ni Clyde sa kanya, tila hinihintay talaga nito ang isasagot niya. "Well it defends. Pero para sayo." Tumingin kunyari si Lizeth sa malayo. "With a little bit if fogiveness, a dash of happiness, a pile of closure, undertanding, and realisizing. Siguro makakamit mo yung gusto mong happiness." "Ang dami dami mong sinabi. Akala mo naman ganun lang  yun kadali." "Bakit totoo naman ah. Malaki kana, siguro naman nakipag usap kana sa mama mo kung bakit ganun ang nangyari? Saka hindi yun madali kung ready kanang harapin. Teka nag usap na nga ba kayo?" "Hindi pa. Saka wala naman kay Mama yung problema eh nasa akin." "Hindi sa nakikiisyoso ako ah. Ano nga ba ang problema? Kung ayaw mong i-share then okay lang." Tinignan ni Lizeth si Clyde. Humigop lamang ulit ito ng milk tea kaysa sa sumagot. "Well kung ayaw mo." "By the way Lizeth, thank you ah." "Para saan?" "Sa pag dala mo sakin dito? Tama ka nakakatuwa nga yung laro, lalo na kapag may kasama." "Really masaya akong kasama." Medyo namula ang mukha ng dalaga. Compliment bayun mula sa binata? Kinikilig ang mga buto niya. "Ikaw din thank you sayo. For not taking advantahe ng nalasing ako. You know what akala ko talaga dati asshole ka. Hindi pala. Your a great guy." "Sigurado ka bang hindi ka natatakot sakin?" Natawa si Lizeth. "Bakit naman ako matatakot sayo, bakit vampire kaba?" Tila nabingi si Clyde ng marinig ang biro nito. "What do you mean?" "Ito naman joke lang, as if namang bampira ka talaga diba, pero kidding aside. Kung talaga masama kang tao. Maybe hindi mona ako kasama ngayon. Hindi ako sasama sayo." Muli ay napangiti si Clyde. Ang totoo niyan ay nalaro na niya ang game na iyon kanina. He had it sa bahay nila and master na niya yun in all modes. Sunod ay nagpunta na sila ng parking area. Nag offer si Clyde na ihatid siya but she refuse mag tataxi nalang daw siya. "No ayoko ng maging pabigat sayo and pupuntahan kopa tung friend kong si Clarisse. "Really. Pwede kitang ihatid." "No okay lang talaga ako." Then Lizeth smile again. Sa pagka ngiti ng dalaga ay walang anu anoy may mga paro parong lumabas mula sa buhok nito. Una isa, then dalawa hanggang sa dumami iyun, then dramaticaly a dashing of lights appear. "s**t!" Bulalas ni Clyde. "Oh bakit" "Nakikita moba yung nakikita ko?" "Ano bayun?" Gulat din ni Lizeth. Tila totoo nga ang mga sinabi ni Mark. Na isang bugkos ng paru paro ang lalabas sa iyong imahinasyon kapag ikaw ay tinamaan ng pag ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD