Chapter 1
CHAPTER ONE:
NAPAKAGANDA ng kabuoan ng simbahan kung saan ay napapalibutan ito ng iba't-ibang bulaklak na personal pang pinili ng Bride.
Habang ang lalakaran ng Bride ay nalalatagan ng pulang carpet at sa magkabilang gilid ay puno ng white roses at telang sky blue.
Napakaganda at napaka-aliwalas ng paligid habang nakatayo ang lahat at hinihintay ang pag pasok ng Bride.
Lahat napahanga ng magsimulang lumakad ito ng marahan habang sumasabay sa malamyos na awitin na pinamagatang “I SWEAR”.
I swear by the moon
And the stars in the sky
And I swear like the
Shadow that's by your side
Napakaganda nito sa suot na wedding gown na kumikislap sa kaputian.
Kitang-kita ang kasiyahan nito sa mga ngiting nakaguhit sa labi nito habang nakatingin sa kanyang groom na naghihintay na sa kanya sa may Altar.
I see the questions in your eyes
I know what's weighing on your mind
You can be sure I know my part
'Cause I stand beside you through the years
You'll only cry those happy tears
And though I make mistakes
I'll never break your heart
Hindi rin mapalis ang ngiti sa labi ni Van habang titig na titig sa dalagang palapit sa kanya.
Liyad ang dibdib at proud na proud ang binata na sa wakas.. Ito na.. Ang katuparan, ang nag-iisa nyang pangarap, ang Best friend nya ay ngayo'y kanyang Bride to be.. Ilang sandali na lamang at tuluyan na silang magiging isa sa mata ng tao at higit sa lahat sa mata ng Diyos.
Sya na ang pinaka maligayang lalaki sa buong mundo..
Nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata na kapwa kumikislap sa kasiyahang nadarama ng mga oras na yon.
And I swear by the moon
And the stars in the sky I'll be there
I swear like the shadow that's by your side
I'll be there for better or worse
Till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear
I'll give you everything I can
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the wall
And when (and when) just the two of us are there
You won't have to ask if I still care
'Cause as the time turns the page
My love won't age at all
Inilahad nya ang kanyang kamay sa dalaga at akma na nitong aabutin ang kanyang palad ng mula sa kung saan ay may isang kamay na umabot sa kamay ng dalaga.
Pag lingon nya'y nakita nya ang nakangiting mukha ng kanyang kuya Juvani.
Tinapik sya nito sa balikat..
BIGLA ang pag balik sa kanyang ng Reyalidad.
Napamulat sya ng mga mata ng patuloy niyang maramdaman na may tumatapik sa kanyang balikat at nabungaran nya ang mukha ng kanyang Kuya Juvani.
"Pucha naman oo.. Ano ba?"
himig may pag rereklamo nya rito.
"Biglaan ang meeting ko, hindi na2man ako makaka attend sa Rehearsal mamaya. I-proxy mo muna ako ha. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Maxx. Tatawagan ko narin sya para makapag paliwanag ako."
sabi nito habang inaayos ang kurbata sa leeg.
9:OO O'clock ang oras ng rehersal nila sa simbahan
"Pipilitin ko nalang na matapos ng maaga para makahabol ako."
"Tssss.. Lagi nalang. Ilang araw nang di ka uma-attend. Mas mahalaga ba yan kaysa sa pag hahanda sa inyong kasal?"
"Bro.. Meeting ng Board Members ito. Di ako maaring mawala."
"Hay naku naman! Baka magtampo na nyan si Maxx."
"Kaya nga naroon ka para paliwanagan sya. Alam ko, makikinig yon sayo. Basta, Pipilitin kong makasunod."
"Bahala ka. Pero kung ako ang ikakasal, hindi ko uunahin ang iba. At hindi ako mawa2la sa kanyang tabi every single minute. At sabay naming aasikasuhin ang lahat."
yamot na pasaring nya sa kapatid.
Palibhasa kasi napakabait ni Maxine at iniintindi lagi ang kapatid sa tuwing wala ito sa mahahalagang okasyon o ano pa man.
kaya naman inaabuso yon ng kanyang kapatid.
Mahigit two years na ang mga ito at nag kasundo ng mag pakasal. Pero kung babalikan nya ang nakaraang dalawang taon, di na nya mabilang kung ilang beses na nag proxy siya sa kanyang kuya tuwing hindi ito makakarating sa usapan nila ng girlfriend nito na si Maxine na best of friends naman niya. Naroon na may date ang dalawa pero in last minute siya ang uutusan ng kuya nya na puntahan ang dalaga para sabihin na di ito makakarating. May pag kakataon din na siya na ang bumibili ng mga bulaklak para dito na dapat ang kuya nya ang gumagawa. Sa mga monthsary ng mga ito, madalas na siya ang naroon para i-comfort ang kaibigan dahil wala ang kuya nya.
Maging sa Anniversary ng dalawa, sa halip na si Jovani ang kasama nito, siya ang nasa tabi nito para makinig sa mga hinaing nito.
Madalas busy ito sa trabaho palibhasa ay CEO ito ng Villarama Group of Companies kaya di magawang mag reklamo ng dalaga.
Pero hindi siya pabor sa ganun.
Ayos naman, nalampasan ng dalawa ang stage na yon at pinapasok na ng mga ito ang bagong stage ng kanilang buhay, ang harapin ang bukas ng magkasama bilang mag-asawa pero duda siya.. dahil ang simpleng Rehearsal nga ay di mapagtuonan ng pansin ng kanyang kuya.
Naiinis siya sa mga nangyayari, ilang araw na ang Rehearsal pero ni-isa ay di pa ito uma-attend. Kaya hito siya, bilang dakilang best man, hindi nya matiis ang mga ito.
Hindi. Mali. Kaya nyang tiisin ang kuya nya dahil mali na ito. Pero ang di nya matiis ay si Maxine. Hindi nya ito kayang makitang ngmumukhang tanga kakahintay sa kanyang kapatid kung kailan ito magpapakita o sisipot sa usapan ng mga ito.
Hinding-hindi sya papayag na mangyari iyon. Never in his entire life!
KASALUKUYANG kausap ni Maxine ang kanilang Wedding coordinator na si Irene. Kaklase at kaibigan nya ito ng highschool pero nagkahiwalay sila ng mag college sila dahil ibang University ang pinasukan nito samantala siya ay doon na mismo sa UE manila nag aral mula elementary hanggang college at doon na nag tapos ng Accounting.
Nang muli silang mag kita ay nalaman niyang isa ng Event Coordinator si Irene. Nang malaman nito na ikakasal na siya ay ito na mismo ang nag alok na ito na ang bahala sa lahat.
“Irene, gusto kong palitan ang motif ng light blue. At maganda siguro kung ang ribbon nya ay pink?” sabi nya sa kaibigan habang tinitingnan ang mga pagpipiliang design na gagamitin.
“Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang blending ng color ng light blue at ng white. Para bang nangangako ng langit sa piling mo.”
Anang tinig mula sa likuran ng dalaga.
Otomatik na napalingon siya rito.
Nakadama siya ng panlulumo, si Van ang naroon. Ibig ba nitong sabihin wala nanaman si Jovani? Pang apat na araw na pero di parin ito uma-attend. Kausap nya kagabi ang binata at nangako ito na aattend na ito.
“Don’t be sad sweetheart. Biglaan ang board meeting at di sya pwedeng mawala roon. Pero nag promise naman siya na tataposin agad at hahabol dito.”
Sabi ng binata pampalubag loob sa kaibigan.
“Naku friend! Napaka palad mo naman sa iyong bestman. Sa tagal ninyong magkaibigan bakit hindi nalang kayo ang nagka-ibigan. Ayan oh.. kitang-kita, bagay na bagay kayo. Palung-palo!” sabi ni Irene na napapakagat labi pa.
Natawa si Van. Kilala nya si Irene dahil schoolmates nila ito dati.
“Hay naku. Kahit mag dilang anghel ka pa, huli na ang lahat. Siguro sadyang mas gwapo lang sa akin si Kuya kaya yon ang nagustohan nitong si Maxx.” Biro naman ng binata.
Tahimik na naupo si Maxx sa isang mahabang lamesa at may anim na upuan sa isang tabi. Agad na sumunod dito ang binata.
“Maxx..”
“Wala na naman siya.” Puno ng lungkot na turan ng dalaga.
“M-May importante kasi---“
“Hindi ba importante ito sa kanya? Kasal namin ang pinag-uusapan dito. Ano ba naman yong ilang oras lang di pa nya mailaan dito?”
“Maxx..” Hinaplos nito sa balikat ang dalaga na para bang sa pamamagitan noon ay gumaan ang nararamdaman nitong tampo sa kapatid.
“Van, ilang araw na ba? Hindi ito ang una. Nag promise sya kagabi.”
Gusto ng umiyak ni Maxx sa sama ng loob.
“Sa ginagawa nya, lalo lang niya ipinaparamdam sa akin na hindi ako ang priority nya. Well.. di ko naman hinihingi sa kanya na unahin ako, pero sana naman h’wag nya akong gawing last priority nya.”
“Maxx, intindihin mo nalang si kuya.”
“Hindi pa ba ha Van? Buong buhay ko.. inintindi ko siya. Andoon na tayo na busy siya sa trabaho, Ikaw din naman diba? Pero nagagawa mong iwan kahit sa kalagitnaan ng meeting mo sa mga kliyente mo kapag tumawag ako sayo at kailangan ko ng kausap. Kapag tatawagan ka ni Juvani at uutusan na puntahan ako. Bakit ikaw, nagagawa mong ilaan ang mga oras na yon sa akin. Bakit siya hindi.?” Puno nan g hinanakit na tanong nya rito
“Dahil magkaiba kami.” Malungkot na sagot nito. “C’mon.. Hahabol siya. Trust me. Makakarating siya mamaya.”
“Nakakasawa na.”
Padabog na tumayo ang dalaga.
“Ngayon ka pa ba mag sasawa? Mahal mo siya diba? Ang tunay na nag mamahal hindi marunong mag sawa. Hindi marunong mapagod mag unawa.”
Napabuntong hininga si Van.
“Tulad ko. Mahal na mahal kita pero ng sabihin mong si Kuya ang Mahal mo at Makita ko ang ningning sa mga mata mo, hindi na ako kumuntra. Pero hanggang ngayon.. hindi parin ako tumitigil sa pag mamahal sayo. Hindi parin ako napapagod. ‘Yon ang pag kakaiba namin ni Kuya. Subrang mahal lang talaga kita.” Mahabang bulong sa sarili ng binata.
Kapwa sila napatingin kay Irene na kumakaway sa kanila.
“Start na tayo!” malakas nitong sabi kasabay ng pag palakpak para kunin ang atensyon ng lahat.
Nag silapitan na ang mga ito at pumwesto ayon sa mga nauna nilang rehearsal.
“Van, as usual ikaw nanaman ang tatayo sa pwesto ng groom.” Turan ni Irene na tinapik pa sa balikat si Van.
Tipid lang na ngiti ang isinagot nito saka tumayo na sa pwesto ng groom.
Samantala, Panay ang sulyap ni Jovani sa kanyang relo pam-bisig habang kasalukuyang nag di-discuss sa harap ng mga matatandang Board Members.
Kung maari nga lang na iikot nya ang mga kamay ng orasan para matapos na ang kanilang meeting kanina pa nya ginawa. Gustong-gusto naman talaga niyang um-attend ng Rehearsal ngunit may malaking problemang kinakaharap ang Kompanya kaya di nya maiwan-iwanan.
Tiwala naman siyang mapupunan ng kanyang kapatid ang kanyang pag kukulang sa kasintahang si Maxine, after all.. mag kaibigan naman ang dalawa mula pa ng mga bata ang mga ito. Alam niyang makikinig si Maxine sa mga paliwanag ni Van dahil kung hindi, hindi sila aabot sa puntong ito. Sa dami nang pagkakataon na nababali-wala nya ang kasintahan malamang matagal na siya nitong iniwan kung di dahil sa kapatid niya.
Napa-ngiti siya, kailangan nyang bumawi. Kailangan makahabol siya sa rehearsal. Pangako naman nya na oras na makasal sila, babawasan na niya ang oras sa trabaho.
MATAPOS MAI-PARADA ni Jovani ang kanyang Ford SUV Latest model sa isang bakanteng slot sa harap ng club house ng kanilang exclusive village kung saan pansamantalang ginaganap ang rehearsal, agad siyang tumakbo paloob. Buo sa kanyang loob na ngayon babawi sa kasintahan subalit sa kanyang pag tataka ay nakasalubong nya ang iba na palabas na.
“A-Anong..? Oh s**t!” bulalas nya ng pag tingin nya sa loob ay natanawan nya ang kanilang event coordinator na nag liligpit nan g gamit.
Sa tansya nya’y nag papa-alam na ito kay Maxine at Van.
Mabibigat ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito. Tila naman di siya kilala ng dalagang coordinator na nilampasan lang sya. Kahit pa nga bahagya siya nitong nasagi sa balikat ay mahinang sorry lang ang sinabi nito na di nag-abalang lingunin pa siya.
NASIRA ang mukha ni Maxine ng Makita ang kasintahan.
“I-I’m s-sorry..” bugad na sabi ni Jovani sa dalaga ng tuluyang makalapit dito.
“Sorry your face!”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita na ng galit ang dalaga na maging si Van ay ikinabigla iyon.
Padarag na dinampot nito ang bag at walang lingon likod na nag martsa palayo.
“Maxine!”
Panabay na tawag ng magkapatid dito.
“Maxx!” muling tawag ni Van sa dalaga. Di na nakatiis na hinabol ito.
Naiwang nanlulumo si Jovani.
“MAXX, WAIT!”
Pigil ni Van sa braso ng kaibigan ng maabutan ito sa labas.
Iyong harap nito sa kanya sabay yuko sa kanyang dibdib pasandal ang ulo.
“Maxx..”
“D-Dumating sya.. humabol sya kahit late na.” pabulong nitong sabi.
“I told you.. darating sya. Ako si Van, at ang sinasabi ko lahat totoo.”
Sinundan nya ng pagak na tawa ang kanyang tinuran. Alam nyang tahimik itong umiiyak kapag ganitong isinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.
Namayani sa kanila ang katahimikan. Walang nagawa ang binata kundi ang haplusin ang mahabang buhok ng kaibigan.
Napabuntong hininga na lamang si Jovani habang tanaw ang dalawa buhat sa kanyang kinatatayuan.
.
.
iTUTULOY