Chapter 10

1545 Words
Chapter 10 Suspicious Nica's POV Hindi pa naman Friday the 13th pero sunod-sunod na kamalasan ang dumating sa 'kin Ito na ba kapalaran ko? Ito na ba ang nakasulat sa horoscrope ko, di ko expected. "N-Nica, Ayos ka lang?" Una, Di pa ako maka-move on dun sa mabahong holdaper at mabuti na lang dumating si weirdo, Pangalawa Yung maldita Kong kapatid at ngayon pinapapunta naman ako sa office ng masungit pero gwepe naming teacher. Kinakabahan ako baka anong gawin n'ya sa 'kin. Weg pe ser. "Hoy, Nica! Nakikinig ka ba?" Bumalik ako sa diwa ko nang batukan ako ni Allan. "Ano ba?! Inaano Kita?!" Galit na Sabi ko pero binatukan lang ako at tumawa lang ng malakas. May saltik na si Allan K tumatawa mag-isa. "Sadista ka ba? At tuwang-tuwa ka pa na sinasaktan ako?!" Konti na lang sasapakin ko na tong baliw na to namamatok kasi , di Naman inaano. May lahing abno ata ang dunadaloy sa dugo ng isang 'to. "E kasi ikaw di ka nakikinig sa sinasabi ko sa 'yo." Naka-ngusong Sabi nya. Hilahin ko nguso mo dyan e para mag-muka kang pato eh. "Pwede mo naman ulitin 'di ba?" Sarkastikong tanong ko at napakamot naman sya sa batok. Nakailang buntong hininga sya bago nagsalita. Infairness ang bango ng hininga n'ya siguro sampung beses 'to nag-totoothbrush sa isang araw. "Bali-balita kasi kapag pumasok ka sa office ni Sir, iika-ika kang uuwi." Pagkasabi nya napalunok na lang ako "W-what do you mean?" Kinakabahan kong tanong. "Alam mo kanina mo pa ako tinatakot ha?!" Kanina pa n'ya na sinasabi na kapag pumasok ako sa office ng dalaw na teacher namin, iika-ika akong lalabas sa pinto. Hanggang ngayon 'di ko pa rin gets ang pinaparating n'ya sa 'kin. Tumingin naman ako sa kanya at binigyan ng takang ekpresyon. And he give me a serious look at me mukang na gets ko na pinararating nya sa kin. s**t wag na Kaya ako tumuloy Kung makukuha lang rin lang Puri ko. Masyado pa ako bata para mabuntis. Saktong naglalakad na kami papunta sa office ni Sir Ashton. Kanina pa ako naoover think Kung tutuloy pa ba ako o hinde. Mabuti na lang sinamahan ako ni Allan. E kung magdala ako ng baril at patayin ko na lang si Sir? Pero makukulong Naman ako. ——————— "We're here, You can do it." Sabay tapik sa kin sa balikat ko. "Hindi mo talaga ako sasamahan, Allan?" Paawang sabi ko at hinila-hila ang laylayan ng polo n'ya. "Pasensiya na, Nica. Pero may pupuntahan pa ako." Sabay iwas ng tingin sa 'kin at pinatid ang kamay ko. Panget ka-bonding at maging kaibigan 'to! "Umalis ka na nga! Bago pa mandilim paningin ko sa galit." Tiningnan ko s'ya ng masama na kinatawa naman ng abno. Tuwang-tuwa si Budoy. Tinadyakan ko naman agad s'ya sa t'yan at napaluhod s'ya sa sakit. "Oh ano, happy ka masyado eh." Sarcastic kong sabi at humarap na ako sa pinto. "Ingat, wag uungol ng malakas ha!" Pang-aasar n'ya at tinaas ko ang kamao ko na kinatakbo naman n'ya. Malakas mang-asar takot naman sa suntukan, duwag. Nakailang lunok ako bago ko pinihit ang door knob at pumasok sa— bakit madilim rito? Tanging ang nakaopen na laptop ang nagbibigay liwanag rito kinakabahan naman ako. "Di ka ba marunong kumatok?" Mas lalo bumilis t***k ng puso ko nang marinig ko ang tinig na Yun. Lumabas uli ako ng pinto at sinara, sabay kumatok ng tatlong beses. Ewan ko ba ba't ko nagawa 'yun siguro nahawa na yata ako sa ka-abnuyan ni Allan. Taray, nakakahawa na pala pagiging abno ni Allan K. "Pasok." Pumasok naman ako gaya ng sabi n'ya at muli bumungad sa 'kin ang napaka-gwapo sana kung hindi maldito. Pero kahit saang angle mo titingnan, walang kupas ang kagwapuhan ng isang 'to. Yummy na yummy! Papalicious! "You may sit, Ms. Syntrev." Mabuti na lang naaaninag ko Ang paligid. Umupo Naman ako sa isang mono-block chair sa harap ng desk ni Sir. Brown out ba dito? Naputulan ba ng kuryente Ang kwartong to? Walang kabuhay-buhay naman 'tong kwarto na 'to daig pa ang may lamay sa kalungkutan At Alam ko kanina pa sya sa kin nakatitig na dahilan upang kalibutan Ang katawan ko. "S-sir are you gonna—" At nag-iba ang aura at kilos ng lalaking na sa harap ko. Sabay bumukas ang ilaw na napakaliwanag. Napapikit ako sa sobrang liwanag. "Nako sis! Wag mo na Kong tawaging sir, nakakaloka Naman to." Sabi ng kung sino at binuksan ko ang aking mga mata at nagulat sa nakita. Nag-iba boses nito at tuluyan ako napanganga sa kanya. "Alam mo, ang mga kumakalat na chismis tungkol sa 'kin. Fake news yun, Ghurl." Maarteng sabi n'ya at umirap sa ere. Kinusot ko Ang mata ko Kung totoo ba tong nakikita ko. Baklush si sir?! Hindi ko aakalain na mangyayari ito. Sayang gwapo pa naman at sya pa aman type ko pero jokling pala itong si Sir. May kung ano kinuha si Sir sa ilalim ng mesa n'ya na nagpa-kaba sa 'kin. Isang box na puno ng mga cosmetics magazine ang laman! "Alam mo bili ka na lang ng mga cosmetics ko." Sabay abot sa kin NG isang magazine. "Mga galing Japan 'yan, ghurl. Kaya order ka na sa 'kin marami ako n'yan dito." Sabay pinakita sa 'kin ang loob ng cabinet na puro laman ay cosmetics. Napanganga na lang ako sa nakita at sa kanya. Hindi ko aakalain na bumigay na pala ang isang gwapong nilalang na ito! "Sa atin-atin lang 'to, ghurl huh! Hindi ko keri kapag na reveal ang trulalu 'kong pagkatao." Natawa naman ako kung paano s'ya magsalita at tumango bilang sagot. Ryle's POV Nakakaantok man gawin pero kailangan, kasama ko naman ang mga kulugo kaya magiging ayos lang ako. May hindi tama rito sa bagong teacher namin eh. Nakakapag-taka at unang araw palang ay sa amin agad papasok. Karamihan sa mga bagong teacher na pumapasok dito sa campus na 'to ay nagiging assistant teacher muna. Maybe may connections s'ya sa board member. Tch, malakas talaga ang kapit ng isang 'to. Pero may hinala pa rin ako na may masama syang balak. May bali-balita rin kasing kumakalat na may teacher na nanggagahasa or nag-to-torture ng estudyante n'ya. Kaya ang misyon ko— namin ng mga kulugo ay imbestigahan ang bagong guro namin. Mala-spy kids! "Sinasabi ko sa inyo, kapag tinakbuhan n'yo ko. Yari kayo sa 'kin." Sabay taas ng kamao ko bilang banta sa kanila. Nagyakapan naman ang mga kulugo na parang inaaping bading. "Huwag po, boss." "H-hindi namin kaya ang parusa mo." "Masyadong masarap boss, ughh." Napa-ngiwi na lang ako sa mga sinasabi nila, Isa lang masasabi ko... Pervert. "Magsi-tigil na kayo o pagsisipain ko kayo d'yan isa-isa mga tuod." Singhal ko sa kanila na kinaayos naman ng tayo at porma nila. "Aye, aye! Boss." Sabay nilang sabi at sumasaludo ng buong puso. Tarantadong kulugo kahit kelan mga 'to. Tinuloy ko na ang paglalakad ko ng nakasalubong namin si Allan na hingal na hingal sa kakatakbo. "Oh Ryle, saan punta mo?" "Wala ka na du'n." "Still cold to me, huh?" Ramdam ko naman ang init ng dugo ng mga kulugo, at nagsimula na nga ang inaasahan ko. "Booo!" "Umalis ka na Allan K!" "Unggoy unggoy!" Sari-saring pang-aasar naman ang binato ng mga kulugo kay Allan. Mga kulugong 'to kahit papaano may maganda rin nagagawa bukod sa paninilip. Hindi ko na sya inabala tingnan at lumiko na sa kabilang corner ng hall. "Boss, hindi ko aakalain na isa kang chismoso din eh noh?" "Interesado na yata si Boss sa isang tunay na buhay ng binata." "H'wag ka mag-alala, Boss. Tuturuan ka namin ng basics." Panay bulungan ng mga maduduming ideya ang kanilang sinasabi sa 'kin. "Shut up, mga kulugo. Tumahimik na lang kayo kung ayaw nyong sumama then leave." Usal ko na kinaartehan na naman n'ya. "Ano ba yan eh! Kanina pa tayo nakatayo dito sa harap ng pinto ng teacher mo." "Kung makiki-join ka sa parusa, go pasok 'wag mo kami damay." Dinikit ko ang tenga ko sa pinto at pilit pinapakinggan ang pinag-uusapan sa kabilang kwarto ng may... "Ughhh, sir." "Ughh?" Takang tanong ko at nakaramdam ako ng init sa katawan. Ano nangyayari sa 'kin? "Ungol?!" Bigla nabaliw ang mga kulugo at naki-kinig din sa nangyayari sa loob. "Boss walang butas, sayang naman." "H'wag kayo maingay!" Pabulong kong galit sa kanila na kinatahimik nila. At nagulat na lang kami ng bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang pagod na pagod at gusot na damit ng babaeng na sa harap namin. "N-nica!" Sigaw ng mga kulugo. Lumapit naman ako at tiningnan s'ya. "Ayos ka lang?" Tanong ko at tumingin naman ako sa loob ng kwarto. Walang tao sa loob ng kwarto, halatang tumakas yun. May napaka-suspicious ng inaakto ni Nica, humarap na ako pero wala na sa harapan ko si Nica. "Nasa'n s'ya?!" Tanong ko sa mga kulugo "Tumakas boss." May mali talaga dito eh, mas mabuti na itanong ko na lang bukas ito kay Nica. A/N: Sorry sa late update, guys. ++Don't forget to Vote,Comment and Share++?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD