Chapter 9

1536 Words
Mr. Ashton Givera Nica's POV Habang naglalakad ako panay ang aking hikab napansin ko naman na walang tao sa paligid. Tingin sa kanan, walang tao. Tingin sa kaliwa, walang tao rin. Tumingin ako sa taas na baka nagbabaka-sakaling lumilipad na sila sa langit ngunit wala rin himpapawid. Mag-ala-sais palang ng umaga at alas-siyete pa naman ang simula ng klase namin pero wala na halos estudyante ang nakakalat sa campus. Mahahalata mo na disiplinado ang school na 'to. Napaka-linis at maaliwas ng eskwelahan, akala mo tinangay ng bagyo ang mga estudyante sa sobrang tahimik at linis. Hayyss. Isa na namang araw na nakakabagot, kung mayroon ka sanang kaklaseng gwapo baka ganahan ka pang pumasok eh. Kaso mukha naman mga nakawala sa zoo mga kaklase kong lalaki, lalo yung weirdo kong katabi maliban kay Allan na malalim ang dimple. Hehe, ang landi. Hindi rin maganda araw ko ngayon dahil pinipilit nila Mama at Papa na sumabay na lang ako sa pagpasok kay Mica. Hmpk, di baling tamad ako maglakad kaysa naman sumakay ako sa kotse kung kasama mo naman ang maldita s***h demonyitang kapatid ko. Baka ibangga pa nya ang kotse kung saan Naglalakad na ako sa first floor ng building kung saan matatagpuan ang kwarto ng klase ko. Malapit na ako sa room nang narinig ko ang mga ingay nila sa hallway. Ano meron? Away? Fiesta? "Dalian nyo baka dumating na sya." "Linisin nyo to! Ito pa!" "Tulong-tulong ayoko mapagalitan ni Sir." "Mas lalo naman kami!" Sigaw dito, sigaw du'n. Linis dito, linis du'n. Ano meron? Bakit ba sila natataranta mag-linis. Yung iba naman nag-aayos ng upuan at lamesa. Dahil ba new student ako dito sa school na 'to? Hindi ako na inform na may pa ganito ang school nila para sa 'kin. Hindi ko mapigilan ang saya dahil sa mga konklyuson na pumapasok sa isipan ko. Nakaka-touch naman naglinis at nag-ayos pa sila para sa 'kin. Huminga muna ako ng malalim at pumasok na ako sa room namin at malaking ngiti ang sinukli ko sa kanila. Napatigil sila sa mga ginagawa nila nang makita nila ako. Hala tuloy n'yo lang ginagawa nyo, kahit di ako na suprise appriciated ko naman. "Kayo talaga naglinis pa kayo para sa 'kin, salamat." Masayang sabi ko na kinatahimik ng lahat kasabay ang kanya-kanya nilang mga bulong "Hala, assumera." "Akala mo naman kagandahan." "Feelingera si ateng ano? Di na lang sya tumulong maglinis." "Kaya nga." "Hoy, tumulong ka na lang mag-linis!" Di ko maintindihan kung ano binubulong nila pero alam kong isang compliment na naman ang nakukuha ko sa kanila. Kakaiba talaga kapag maganda ka sa room n'yo. Dumiretso na ako sa upuan ko at kanina pa pigil na pigil na tumatawa si Allan. "Anyare sa 'yo? Nauutot ka ba?" Takang tanong ko na kinagulat ko na bulalas syang tumawa sa harap ko. "Grabe Nica, nakakatawa ka talaga!" Hindi mapigilang tawa na sabi ni Allan sa 'kin at nagbulalas ng tawa. Sabog na yata 'tong si Allan, rugby pa. Tanging kaming tatlo--Apat pala kung isasama mo si Xarina na walang pakialam sa kanila at nagawa pa nya magbasa sa sitwasyon na to. As usual natutulog pa rin si Weirdo. Bakit lagi 'to natutulog? Batugan, Tulog sa umaga gising sa gabi? Kwago be like 15 hours kung makatulog. Pero mas okay na yan, kapag gising nagiging impakto at malditong bata. Akala mo naman kagwapuhan, duhh medyo singkit at maputi ka lang pero. Nakakaturn-off pagiging impakto mo daig mo pa babaeng kung magalit. Taas ng pride. Pinapanood namin ni Allan pinaggagawa ng kaklase namin. Yung iba nag-aaway pa kung sino pa magdadakot ng basura, yung iba naman napaka-pabebe kung magpunas ng bintana, aabutin sya dyan ng siyam-siyam. "Ano ba meron, Allan?" Tanong ko sa kanya na takang ekspresyon na binigay sa 'kin. "Di ka updated? May new teacher tayo, ang pagkakaalam ko Mr. Ashton Givera raw ang pangalan." Sagot n'ya sa 'kin. Ahh, O ano naman kung may new teacher? Siguro first tjme lang din nila magkaroon ng kapalit na teacher, or siguro required talaga Lalo na't may new teacher kami na dadating. Tumango lang ako sa sinabi nya. Pero bat sila natataranta? E kaming apat nga rito chill chill lang. Nakaramdam naman ako ng pagkirot ng puson ko. Naku bad-trip naman tong ihi ko o... Bahala na baka mamaya pa naman dating ng teacher namin. Tumayo na ko sa kinauupuan ko at nakakailang hakbang palang ako na may humawak sa braso ko. "Sa'n ka pupunta baka mamaya—" Di ko pinatapos sasabihin ni Allan ng hinatak ko sa kanya ang braso ko at sabay takbo sa malapit na comfort room. Taena naman kasi jingle na jingle na ako pipigilan pa nya ako. E di sya maglinis o kaya inumin nya ihi ko. Pumasok na ako sa isang cubicle at nilabas ang kanina pang pinipigilang ihi. Ahh ang sarap sa pakiramdam na nakaramdam ako ng ginhawa. Refreshing. Pagtapos ko magbawas ay nagayos na ako ng sarili at bumalik na sa room. Habang naglalakad ramdam ko ang pagtahimik ng room namin kaunti na lang ay na sa harap na ko ng room namin pero ano tong nararamdaman ko? Bat parang kinakabahan ako? "Quinox?" "Present" "Ramos" "Present" Unti-unti kong hinakbang paa ko papunta sa room. Ang boses na naririnig ko ay mas lalong nagpapakaba sa kin. "Syntrev?" s**t ako na pala sunod na tinawag sa attedance. Ano gagawin ko? "Present ba si Ms. Syntrev?" medyo nabanas na yata pero namayani pa rin ang katahimikan. Hwag na kaya ako pumasok sa klase na to? Ang sabihin ko na lang pagbalik nagka-LBM ako. O kaya naman sa next subject na lang ako papasok pero,Baka ipatawag ako kung ba't ako nag ditch ng class at ang masama pa nito baka ipatawag pa ang parents ko. Syempre pag nangyari yun wala na ako monthly allowance. Bahala na nga si Batman, Superman, SpiderMan at iba pang man. Sugod kung sugod! Wala dapat urungan! Hinugot ko ang buong lakas ko and i forced to smile. We can do it! We are fighting dreamers! Buong lakas-loob akong pumasok sa room. Dahilan para magsi tingin naman ang mga kaklase ko sa kin. "P-present Sir, I'm S-sorry po for being—" "You're 5 minutes late, Ms. Syntrev." Tuluyan bumilis ang puso ko. Nakakatakot ang mga tingin nya, pero agad yun nawala nang mapansin kong ang kanyang magandang kutis na di hamak na mas makinis at maputi pa sa kuyukot ko. Ang kanyang mapupulang labi na ang sarap halikan—este titigan. Tantsa ko na sa 25 years old na pataas si Sir pero infairness ang gwapo nya. Ang ganda ng genes ni Sir parang gusto ko magpaanak ng dosenang anak rito at magkaroon ng magandang lahi pero syempre di ako papayag. Ayaw ko sa impaktong masungit. Dali-dali ako umupo sa bangkok ko. Pinag-titinginan pa rin ako ng iba. Hala ano ba ginawa kong mali? May dumi ba ako sa mukha? "Im not done talking to you, Ms. Syntrev." May halong inis na sabi nito "S-sorry po, k-kasi----" "Before you go home, dumaan ka muna sa office ko or else ipapatawag ko magulang mo." He directed said tumalikod na ito at nagsimula mag discuss. Shet anong nagawa ko?! ****** "Ayan, buti nga sa kanya napagalitan." "Kaya nga, assumera pa." "Akala mo naman kagandahan." Parang mga bubuyog kung mag-usap ang iba, at sa akin pa ang tingin ng iba na ang sama ng tingin. May ginawa ba akong masama? "Sa susunod kasi magbaon ka ng arinola. Para kapag incase, di 'ba?" Suggest ni Allan habang humahagikgik. Ito naman si rugby boy nag-suggest pa ng kagaguhan. "Haha, nakakatawa ka pwede ka na maging komedyante." Sarkastikong sabi at sabay irap sa kanya. Gandang ideya binigay bakit hindi n'ya i-try tutal sya naka-isip, Impakto. Natapos na ang klase namin sa bagong masungit naming teacher. Ka-bago-bagong pasok lang n'ya sa school tapos ganun agad? Di 'ba pwede i-consider na lang muna? Inirapan ko na lang 'tong impaktong to. Eh kung sya kaya sa sitwasyon ko, panigurado mag-ditch class lang s'ya at papasok sa susunod na subject. "Tapos ka na? Happy na happy?" Sarcastic kong sinabi at pekeng tawa ko. "Alam mo ba—" "Wala nagtanong, walang may paki. Share mo sa turtle." Pang-aasar ko at sabay takip ng tainga ko na parang baliw na hindi nakikinig. "Alam mo ba mangyayari kapag pumasok ka sa office ni sir?" Napatingin naman ako sa kanya at humindi ng tango. Ano ba mangyayari? "Kakausapin malamang, nothing more nothing less." Confident kong sabi. Totoo naman eh, kakausapin lang ako. "May usap ba na pagkalabas mo ng office gumagapang ka na palabas?" "W-what do you mean?" Ngumiti ng nakakaloko si Allan at sabay iwas ng tingin sa 'kin. "Hoy sabihin mo na." "Wala ako sinabi, walang may paki. Share mo sa turtle." "Punyeta." Anong gagawin ko nito. A/N: Next time, Suspicious. Kamusta na kayo? Tagal ko na rin hindi na kapag update. I hope you still supporting me. ++Don't forget to Vote,Comment and Share++?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD