Bulong
Nica's POV
Siguro talagang adik lang yung babae kaya titig na titig sa kin,o baka sadya malaki talaga mata nya.
Anong taon na pero may nagexist pa rin pala na Emo kagaya kanina si---- Carina?Karen?? Hay ang hirap naman bigkasin pangalan nun. Bahala na kung ano pangalan nun basta hindi ako naglalagay ng makapal na kulay itim na eyeliner masyadong baduy.
"Tagal naman ni Alexander the Great." Bulong ko sa sarili. Kanina pa kumakalam sikmura ko sa gutom. Baka di ako makapagpigil baka kainin ko sarili ko sa gutom.
Cannibalism pa nga.
Tamad ako pumunta sa cafeteria kaya nagpalibre uli ako kay pareng Alex The Great. Syempre basta usapang pagkain walang tatanggi dyan.
Kaming dalawa ni weirdo dito sa room na naiwan. Ang tahimik nya talaga animong kahit kwago na dilat papatulan nya sa laban ng titigan. Di man lang to gumagalaw o magsalita man lang.
"Weirdo,di ka ba nagugutom?" Tanong ko pero di nya ako pinansin. Kinalabit ko sya sa balikat nya pero di man lang gumalaw o nagsalita.
Ano ba klaseng estudyante meron dito,may weirdo at adik. Malapit na ako maniwala na Mental Hospital tong pinapasok ko.
Tumayo muna ako sa bangkok ko at nilibot ang sarili sa loob ng silid. Malaki naman tong room namin kumpara dun sa dati kong school.
Pumunta naman ako sa likod na may mini-bullet in board. Maraming picture nakalagay at kung di ako nagkakamali karamihan sa kanila mga kaklase ko ngayon.
Di ko man sila tanda sa pangalan pero sa mukha matatandaan ko sila. Napadako ako sa isang litrato.
Isang lalaking na halos labas na ang gilagid sa ngiti habang yakap yung babae. Medjo nalalabuan mata ko sa picture pero parang pamilyar ang mukha ng lalaki sa kin. Nilapit ko pa ang mukha ko sa litrato.
Parang kamukha ni--- Ryle?! Si Weirdo?! Pero bat parang saya nya tingnan dito sa litrato kaysa sa personal. Kumpara mo ngayon na nakatulala sa kawalan o kaya minsan lagi naka-simangot.
Nilipat ko naman ang tingin ko sa babaeng kayakap nya. Mukhang di masaya ang babae parang napipilitan lang ngumiti.
Na curious tuloy ako ngayong kung ano sila ni weirdo. Panigurado magkarelasyon ang dalawa dati ewan ko na lang ngayon. Pero dibko naman makita kahit saan babaaeng kasama nya kaya di pamilyar.
Di gumagana ang bulate sa utak ko dahil gutom na ako!
"Food is ready." sigaw ng kung sino sa likod ko at speaking of pagkain nandito na ang aking taga pagligtas sa kagutuman ko.
Humarap ako para i confirm kung sino. At tama ang hinala ko na si Alexander The Great.
Lumapit ako sa bangkok ko may isang box ng pizza at coke in a can nakalapag sa mesa ko. Para sa kin ba to lahat?!
Dali-dali ako umupo at nilantakan ang pagkain. Sensya na gutom lang.
"Kainan na!" Masayang Sabi ko at agad na nilantakan Ang mga libreng pagkain. Yes libre as in libre ni Alex.
"Dahan-dahan ka naman walang aagaw nyan sa 'yo." Natatawang Sabi nito. Di ko na mapigilan sarili ko dahil sa gutom Sana ganito araw-araw libre! May cola at pizza!
Habang nginunguya Ang pagkain na nasa loob ng bibig ko Napatingin Naman ako Kay Weirdo nakatulala sa kawalan Wala yata balak kumain.
Nilapag ko sa Mesa nya Yung last slice ng pizza na dapat kakainin ko pero marami na ako nakain Kaya mag share Tayo ng blessings.
Takang tinitigan nya ako.
"Huwag ka na pakipot kainin mo na." Ngiting Sabi ko Ang cute ko talaga.
Tinitigan lang n'ya Yung pagkain na nasa mess nya.
"Di ka mabubusog Kung titigan mo lang—" Di na natuloy sasabihin ko nang sinubo nya Ang buong pizza papasok sa bibig nya.
Ayy Jusme Patay guys yata Ang isang to dinaig pa ko. Nauubo pa sya Ayan kasi Parang timang mabulunan ka tuloy.
Bigla nyang kinuha Ang soft drink ko. Binuksan Ang takip at uminom. Ang kapal talaga ng face mo.
"Grabe busog ako dun." Sabay dighay nya, napaka— arghhh binalik na nya sa kin Ang Walang laman na bote. Wow ha Di ma lang nagtira kahit kalahati.
"Sa yo na Yan, kainin mo na rin." Sarkastikong Sabi ko, weirdo talaga .
Di ko na lamg sya pinansin at bumaling Naman ako Kay Alex na nagpipigil lang ng tawa.
"Baka mautot ka nyan." Walang ganang Sabi ko. The he burst a laugh kulang na lang gumulong sya sa kakatawa.
Lumabas na lang ako nagtungo sa malapit na comfort room. Pagpasok ko sya Rin Ang labas NG babae. Inirapan lamg nya ako at tumuloy sa paglabas.
Binangga nya balikat ko pero Di Yun dahilan para bumagsak ako. Malakas to! Alagang alaxan!
Tinuloy ko na Ang pakah ko at nagsimula ng ritual. Matapos asking Ritual ay naghugas na ako ng kamay at bumalik na ako sa room.
Pag-upo ko sa silya ko napansin Kong may nakadikit sa Mesa ko Isang sticky note na may sulat obviously.
'thank you'
Ang nakasulat sa sticky note na nagpangiti sa kin. Walang ibang magpapa salamat sa kin, Sino pa ba edi si weirdo. Tinabi ko na lamg Ang note sa bag ko. Kahit papano naalis inis ko sa kanya.
Tumingin Naman ako sa kinauupan nya na mukhang natutulog na.
"A sleeping head..." Someone whisper Kaya napatingin ako Kung Sino pero Walang ibang Tao Kung Hindi lang kami Nina Allan at Ryle
Siguro Guni-guni ko lang yun. Bumalik na ako sa pwesto ko bumalik na rin mga kaklase namin at saktong pumapasok na rin Ang susunod namin na teacher.
++Don't forget to Vote,Comment and Share++?