Chapter 5

1155 Words
Xarina Nica's POV Ang aga kong nagising 5:30 a.m pa lang ng umaga pero feeling ko 5:30 pm na. Ang aga-aga kasi ako gisingin ng muchacha namin. Daig ko pa ang security guard ng school namin. Ako na ba magbubukas ng school? "Yawnn..." Gusto ko pa matulog pero naglalakad na ko papuntang school. Pag-Collage ko bibili na ako ng sariling kotse ko. Ang kapatid ko kaya kamusta na? Di man lang sya dumadalaw sa bahay. Kahit maldita sa kin yun mahal na mahal ko yun. Parang dati lang nag-lalaro pa kami magkasama at sa kalokohan. Pati mga halaman dati ni Lola sinisira namin. Oo aaminin ko kahit malapit lang sa amin yung school na pinapasukan ko is tamad pa rin ako maglakad. Kaso kailangan ko pa mag-aral kung paano magmaneho. Natanaw ko bigla si weirdo na liliko rin sa kabilang kanto. Sakto dun din daan ko. "Oyy! Weirdo intay!" Sigaw ko nang hinabol ko sya pero di ko na sya naabutan. Ang bilis kasi maglakad akala mo malalate na e lagi naman tulog sa klase. Palagi na lang kasing natutulog sa klase kaya 'di na ako magtataka kung puro palakol grado nya. Lakad-takbo ang ginawa ko pero di ko pa rin sya naabutan. Nang makapasok na ko sa gate, narinig ko ang bulungan ng mga estudyante. Lalo na yung mga mukang gusgusin na akala mo ikakagwapo ang pagpapacute nila sa 'kin. Sorry walang talab sa 'kin yan mga chikoy! "Siya yung tranferee dito sa school di ba?" "Pre, Ang cute nya no?" "Gusto ko na sya." "Hindi akin lang sya!" Protesta naman nung isa. Aba-aba nagbubulungan lang ba sila o sadyang nag-paparinig lang sila sa 'kin? Napailing na lang ako sa mga narinig ko. Iba talaga nadadala ng kagandahan ko. Lagi na nga ako papasok ng maaga para lagi na ako napupuri. Bigla sila nagtakbuhan papunta sa gymnasium. Hala anyare? Bakit may nagkukumpulan? Sinundan ko sila at nakisiksik sa mga tao dun. Chismosa ang Lola nyo mga apo kailangan may alam tayo. Nang tuluyan na ko nakapunta sa harap. Laking gulat ko nang sapakin ng nakavarsity jacket yung lalaki. Dali-dali ako puma-gitna sa kanila at agad sinipa sa balls. Well pakilamera na kung pakilamera di naman kasi tama yun. "Acck!" Daing nya na napaluhod na sya sa sakit. Kanya-kanya naman Ang bulungan ng mga Tao. Di dapat tama ang ginawa nya. Tinulungan ko yung na suntok— t-teka si Weirdo?! "Tss pakilamera!" Sigaw nya sa kin at agad na tumayo sa pagkabagsak nya sa sahig. "Ano ba problema mo? Ikaw na nga tinulungan ikaw pa galit!" Pabalik na sigaw ko sa kanya. Pasalamat sya Di sya tinuluyan ng naka-varsity jacket. Pinagpagan na nya polo n'ya at inirapan ako. Dukutin ko yang mata mo e. Malaki pa naman ang katawan kumpara mo sa katawan ng weirdong to! Hmp! Payatot! Pero teka parang namumukhaan ko tong kasuntukan ni weirdo—parang nagkita na kami somewhere pero di ko matandaan. "Mr. Lazano! Ms. Kitty!" Anong kaguluhan to?!" Medyo galit na sabi... At Hala s**t si principal?! Baka mamaya maexpell ako nito. Dapat hinayaan ko na lang magsuntukan mga to, baka madamay pa ako at ma-guidance pa ako. Nag-todo cheer na lang sana ako yung tipong na sa boxing ring yung dalawa. "P-principal—" Paano ba to? Kailangan ko lusutan ang problemang to. Ayaw gumana ng brain cells ko kung kelan kailangan ko sila. So I removed my brain and burn it up. "Wine-welcome lang po nila a-ako." Palusot ko at inakbayan ko si payatot na weirdo. "Di ba? Dude?" Tanong ko kay Weirdo Sige na makisabay ka na lang sa trip ko. Tumango naman Ito bilang pangsang ayon. "Okay, go to your room now!" Utos ng principal sa min, atsaka umalis. "Sa susunod na lang natin ituloy lampa!" Sigaw ng naka varsity jacket at tiningnan ako ng masama. Tinanggal ni weirdo ang pagkaka-akbay ko sa kanya at umalis. Wow naman walang man lang 'thank you' grabe W.O.W talaga. Matapos kong ipagtanggol at takpan kasalanan nya. Kailangan mo uminom ng Alpha Kid weirdo. Baka gatas lang iniinom nito ay ung brand na BOBOkid este bonakid. Yung Ibang estudyante umalis na rin tanging ako na lang ang naiwan sobrang ganda ng araw ko ngayon. Akala ko pa naman ito na ang magandang araw ko. Naisip ko agad sila Mama at Papa baka malaman nila na sangkot na naman ako sa isang kalokohan. Mag-iisip na lang ako ng palusot na sasabihin kung nagkataon man na malaman nila. Pagdating ko sa klase , Wala pa yung teacher namin pero titig na titig sa kin mga kaklase ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Siguro nakarating sa kanila kagaguhan ko. At mukang natutulog na naman si weirdo. Kinawayan naman ako ni Alex. Pumunta na ako sa pwesto ko at umupo sa tabi nya. "Ang galing mo kanina Nica, Nasipa mo ung mayabang na yun." Sabay turo sa lalaking naka varsity jacket na kaklase ko pala. Shet! "Kaklase pala natin sya?" Nauutal kong tanong. "Oo, Di mo ba naalala na sya ung sinapak mo?" Ngising pabalik nyang tanong sa kin nya. Shems double dead Pano na to?! Dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase. Wala ako maintindihan sa pinagsasabi ng guro namin. Blah blah blah blah Wala ako sa mood para makinig ng lecture lalo na kung tamad naman makinig ang bata. Tingin sa kaliwa —tulog si weirdo Tingin sa kanan— nagsusulat ng notes si Alex Tingin sa harapan— may kasamang elemento na nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Napansin ko na may crumpled paper sa paanan ko. Pinulot ko na Yun at nilagay sa loob ng bag ko. Kakahiya naman sa nagkalat nun. Kahit nakakaantok tinuon ko na lamg Ang pansin sa nagtuturo sa Amin ng may pumukaw ng pansin ko. Titig na titig ang mga mata nya sa akin... Sya yung nasa harapan ni weirdo. Inirapan lamg nya ko. Hala sya nainggit yata sa beauty ko hehe. Natapos ang unang klase namin habang nag-iintay humarap ako kay Alex na sa ngayon may kinakalikot sa bag nya. Kinalabit ko sya sa balikat. "Alex.." Kunot noong tumingin sa kin. "Bakit?" At binalik na nya ang bag sa upuan nya. Bahagyang nilapit ko ang upuan ko sa kanya. "Yung na sa harapan ni weirdo na babae Sino un?" Sabay turo sa babae bulong ko. Tumingin Naman sya Kung Sino tinutukoy ko pero bakae sa mukha nya ang kaba. Ilang lunok bago sya humarap sa akin. "S-si Xarina..." Nauutal na bulong nya sa kin. "May nalalaman ka ba tungkol sa kanya?" Syempre chismosa na naman ang Lola nyo. Hindi na nya ako pinansin at Kung ano-ano na lang Ang bumulong na di ko maintindihan. Bahagyang bumalik na ako sa pwesto ko. Isa kang Misteryo sa kin Xarina. ++Don't forget to Vote,Comment and Share++?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD