Chapter 4

860 Words
Chapter 4 Ice cream It's a pretty day para matulog pero ngayon ko lang nalaman na may dapat akong gawin. Di ko na rin gusto ang mga sinasabi ng dila kong to e. "Kuya naman e!" Tingin sa baba may impakta. E kung batukan ko ulo nito para wala na sya maalala? Kaso matigas pala ang ulo ng impaktang 'to. Lipad na naman pera ko sa impaktang to. Bakit pa kasi na sabi ko yun sa kanya. Minsan talaga di ko namamalayan ang mga sinasabi ko. "May evidence ka ba na nagpapatunay na sinabi ko yun?" Pagyayabang na tanong 'ko sa kanya. Mauutakan ko rin to. Kapag walang alibi walang ice cream. May kinuha sya kung ano sa bag nya at pinakita sa kin ang video. Napa-kamot ako sa ulo nang matapos ko panoorin ang mga sinabi ko. Mas mautak tong kapatid kong to basta pagdating sa pagkain lahat gagawin. "Kuya, you promise," Na puppy- eyes pa s'ya pero iniwasan ko lang siya ng tingin. Sige iwasan lang natin hanggang sa mabuwisit sarap asarin nitong kapatid ko. Hindi gagana ang pagpapacute mo sa 'kin. Alam ko minsan ko lang sya i treat, busy kasi sya lagi sa studies nya. Kung magkataon kailangan ko ng tutor sa kanya na lang ako kokonsulta. Panigurado kukuha si Tita ng tutor para sa kin. "Tss i hate you sinungaling ka pala Kuya...'' She whispered at yumuko at nauna maglakad sa 'kin. Alam ko ang pakiramdam na nangungulila sa pagmamahal ng mga magulang. At alam ko yun, mabuti pa nga dati sya ang lagi inaalagaan nila Dad at Mom pero ako parang na pabayaan I sighed ayoko na maramdaman ng kapatid ko na nag-iisa, gusto ko ako na lang wag lang ang inosente kong kapatid. Napaka-bata pa n'ya para maranasan ang paghihirap ko rati. At di ko na uli yun mararamdaman dahil wala na sila. Kung saan man sila ngayon ayoko na sila makita at bumalik sa 'min. "Oo na let's go dalhan na rin natin si Tita." Nang marinig niya ang sinabi ko nagtatalon-talon s'ya sa tuwa at tumakbo malapit sa isang mini-mart store. Hinabol ko na rin siya baka mamaya pakyawin niya lahat ng ice cream.Pagpasok ko sa store nakita ko agad si impakta. Wagas ang pag-ngiti nya sa kin "Kuya ito na pili ko mango flavor at double dutch." Ang babaw ng kaligayahan ng isang 'to. Kinuha ko na yun at binayaran. Nagpasya na kami umuwi habang naglalakad parang may naalala o Deja Vu ako sa ice cream. "Mango...Double dutch." bulong ko. Pilit ko inaalala sa isipan ang mga yun. Ano nga uli yun? *Flashback* "Sige na! Baby naman e ice cream lang!" Pagmamakaawa ko sa kanya at kumapit sa binti nya. Gusto ko ng Ice cream! Ice cream lang e at saka malapit na Birthday ko. Wala ako paki-alam kung pag-tinginan man kami ng mga tao. "Tumayo ka nga dyan. Pinagtitinginan na tayo nakakahiya." Bulong nya sa kin at pilit nya ako tinayo. "Wahh,lce cream! Ice cream!'' Sigaw ko sa kanya at nag-puppy eyes. Sige na pumayag ka na tamaan ka na sa kagwapuhan ko. ''Stop it Riri.'' Giit nya nakakahiya pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. At mas lalo ako umiyak arghh. "Tss, oo na bibili na Tayo." sabay hinalikan nya ako sa noo. ''Yehey! Ice cream! lce cream!'' lce cream!'' Parang batang nagsisigaw ng ice cream tsss. Kasiyahan 'ko to e bakit ba? Pumunta kami sa malapit na 24/7 mini-store.Binaba ko na sya grabe ang bigat nya Dali-dali sya pumunta sa ref ng ice cream at kumuha. "Baby ito Mango at Double dutch hihi." kumikinang na ang aking mga mata sa excitement binayaran ko na yun at pinag mamasdan lang n'ya ako kumain. Inaalok ko sya baka kanina pa sya naglalaway kakatitig sa kin. Umiling lang sya sa kin. Napatingin siya sa'kin at taka akong tumigil sya sa pagkain ng ice cream. "l love you Riri." Sabay hinalikan niya ako sa labi ayun ang pinaka matamis na nakuha ko mula sa kanya na walang makakapantay "I love you too Aira." *END OF FLASHBACK* Di ko namalayan na nasa tapat na kami ng gate ni tita. Ang bilis naman kanina na sa mini-mart store kami ng impakta 'kong kapatid ngayon 'di ko man lang namalayan na naglakad kami pauwi. Naramdaman kong may basa na bumabagsak sa pisnge ko, Umuulan ba? P "Kuya anyare sa 'yo?Umiiyak ka ba?" Kunot noong tanong nya sakin. Itong impaktang 'to ang dami napapansin. Agad ako nag-iwas tingin at kinusot ang mga nangingilid na luha ko sa mata. Nakakainis ba't ko na naman naalala mga 'yun. "W-wala na puwing lang a-ako." Palusot ko Pumasok na kami sa loob at umakyat nako sa kwarto ko para magpahinga Nakaramdam na ko ng antik at hinayaan ko ang mga to na sumara at makatulog.... A/N: hi guys this is my first story Kaya pag pasensiyahan n'yo na mga typo at wrong grammar ko.? ++Don't forget to Vote,Comment and Share++?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD