Nanlumo si Andrea matapos kausapin ang legal adviser ng kanilang kompanya. Ipinatawag niya ito sa kaniyang opisina para alamin ang estado ng kompanya kahit mag-iisang buwan na niya iyong pinamamahalaan mula nang makabalik siya. "Masyado nang malaki ang utang ng kompanya, Andrea. Kung mababayaran man natin ang utang ng kompanya sa mga external creditors, paano naman ang compensation ng employees ng AR?" Hinilot niya ang kaniyang sentido at problemadong pinagmasdan ang dokumentong inabot sa kanya ni Atty. Vasquez. "So, what are you telling me to do, Attorney? Ang gawin ang best option na sinasabi mo? No. Hindi ko ibebenta ang Alcheon. Pinaghirapan 'to ni mom!" Muntik na siyang pumiyok sa huli niyang sinabi. Masyadong mabigat para sa kaniya na bitawan ang kompanya nang ganon-ganon na lang

