Kinabukasan ay sinundo na ni Phoenix si Andrea para lumipat sa condo nito. Hindi na dinala ni Andrea lahat ng mga gamit niya dahil hindi naman niya iyon magagamit lahat. Kinuha lang niya ang mga importanteng gamit niya at ipinamigay naman ang iba sa mga katulong nila. Andrea had already paid the compensation for all the maids before she left. Ipasasara na kasi ang mansion sa oras na makaalis siya roon. Tanging sina Clara at Robelle na lang ang naiwan para isama niya sa condo. Hindi rin kasi niya mahaharap ang pagluluto roon at paglilinis dahil magiging abala na rin siya sa trabaho. Nag-decide siya na tanggapin na ang offer sa kaniya ng modelling agency na nag-email sa kaniya. It was Clyde. Matagal na niyang kilala ang pamilya nito at tiwala siya na magiging maayos ang career niya with th

