Nag-set ng meeting si Andrea para sa meeting niya sa kaniyang manager at sa may-ari ng FXZ Entertainment. Nagpasya kasi siyang hindi na muna tumanggap ng panibagong project dahil sa mga pinaplano niyang gawin. Lalo na ngayong alam na niya kung saan hahanapin ang tunay niyang ama. Hindi naman siya nahirapang ipaliawanag ang dahilan niya sa pamamahinga niya sa kaniyang trabaho. Bukod pa kasi roon ay kailangan na rin niyang asikasuhin ang mga naiwang property ng kaniyang ina at ang paglilipat ng mga ito sa pangalan niya. Nagpa-book na rin siya ng flight niya patungong Cebu para puntahan ang hotel and resort na pagmamay-ari ng mommy niya. Ang naiwan lang daw kasi roon para mamahala ay ang manager ng hotel na matalik na kaibigan ng kaniyang ina. Panay pa rin ang pagtawag ni Phoenix sa kaniya

