CHAPTER 55

1366 Words

Kumilos si Phoenix para pagbuksan siya ng pinto. Nang makalabas siya ay tinangay kaagad ng hangin ang mahaba niyang buhok. Tinipon niya iyon at ipinatong sa kaniyang balikat habang ang mga mata'y nakatuon sa tahimik na libingan. Baby... Ito ang unang beses na dumalaw siya roon matapos ilibing ang kaniyang anak na hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong makasama silang dalawa ni Phoenix. Ni hindi man lang niya nalaman kung babae ba ito o lalaki. Pinili niyang huwag na lamang dumalaw doon dahil nanunumbalik lang sa kaniya ang sakit at pagkamuhi sa mga taong naging dahilan para mawala ang kaniyang anak. Nagsimula na silang maglakad ni Phoenix. Bitbit nito ang isang paper bag na naglalaman ng mga laruan. Hindi rin nito alam kung ano ang kasarian ng kanilang anak pero palagi raw itong dum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD