Matalim ang tinging ipinukol ni Julia kina Andrea at Phoenix na magkasama sa may mausoleum ng anak ng mga ito. Wala na ang baby pero bakit kailangan pa nilang magkaayos? Hinintay niyang makaalis ang mga ito bago siya lumapit sa mausoleum. Nakakuyom ang kamaong binalingan niya ang nakatambak na mga laruan doon at ang bulaklak na nakita niyang bitbit kanina ni Andrea. "I hate you! I hate you! Hindi ka na nga isinilang pero ikaw pa rin ang magiging dahilan para magkabalikan ang mga magulang mo! You deserved to die." Parang nauupos na kandilang umupo siya sa sahig habang patuloy sa pagdaloy ang kaniyang mga luha. "Okay na sana kami ni Phoenix. Madali na sana sa 'kin ang lahat na mabawi siya. Why is it always Andrea? Lahat na lang sa kaniya napupunta. Wala nang natira sa 'kin." Hinablot niy

