Hilam ang mga matang pinagmasdan ni Julia ang mga larawang kuha noong debut ni Andrea. Matapos kasi niyang malaman na ito nga ang anak ng babaeng pinakasalan ng kaniyang ama ay pinaimbestigahan na niya ito. "You were so lucky to have my dad on that day! Samantalang ako, wala akong daddy na kasama noong debut ko! I hate you! I will hate you forever!" sigaw niya at itinapon ang hawak na folder. Halos manginig ang buong katawan niya sa galit. Napahinto siya sa pag-iyak nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kaniyang silid. "Ma'am Julia, ipinatatawag po kayo ng daddy n'yo. Galit na galit po," sabi ng maid nila mula sa labas ng kaniyang silid. Nagmamadali naman siyang lumabas ng silid para harapin ang kaniyang ama. "Dad—" "What's happening to you, Julia? Bakit hindi mo man l

