Andrea wore a yellow and white-buttoned bikini top. Nag-decide kasi siya na maligo sa beach kahit kaliligo niya lang kanina. Kararating lang nila ni Phoenix sa Arcadia matapos nilang asikasuhin ang paglipat sa bago nilang bahay. "I really like it here in Cebu. Pagdating ng araw na okay na lahat at handa na akong mag-resign as C.O.O sa LC, I'll spend most of my time here. Or mas maganda kung dito na rin ako mag-i-stay," aniya habang nakatanaw sa payapang dagat sa harapan niya. Pinagmasdan niya si Phoenix na namimingwit ng isda habang nakahinto ang yacht na sinasakyan nila. "How about me? Hindi ba ako kasama sa mga plano mong 'yan?" tanong nito habang hawak ang fishing rod. She saw him retrieve the hook with a big fish. Hindi siya agad sumagot at nanatili ang tingin sa ginagawa nito haba

